Thursday, October 29, 2026

SA PILIPINAS, MAS MARAMI PA TAMBAY NA DEGREE HOLDER KAYSA TRABAHO

 SA PILIPINAS, MAS MARAMI PA TAMBAY NA DEGREE HOLDER KAYSA TRABAHO NA MAY DEGREE
Real talk
Nagtapos ka ng 4 years college. Gumastos nanay mo ng P300k.
Nag-thesis ka, nagpuyat, nag-OJT, nag-exam.
Pag-graduate mo, sabi sayo:
"With 2 years experience"
"Can start ASAP, P18k salary"
"Fresh grad? OJT muna walang bayad"
Kasi sa Pilipinas, ang degree mo hindi ticket para sa magandang trabaho.
Ticket lang para makapila ka sa mas mahabang pila.
Tingnan mo
Education grad nagtitinda sa palengke.
Engineering grad nagra-rider sa Grab.
IT grad nag-eencode lang sa call center, hindi related sa kurso.
Nursing grad nasa coffee shop nagtatrabaho, kasi wala mapasukang hospital na may maayos na sahod.
Samantalang sa Thailand, Vietnam, Malaysia:
High school grad lang may trabaho na sa Toyota factory, P30k kita.
Walang degree may trabaho pa rin, regular pa.
Dito, degree holder ka na tambay ka pa.
Bakit? Kasi mas marami tayong ginagawang degree holder kesa sa ginagawa nating matinong trabaho na para sa degree holder.
Gumagawa tayo ng libo-libong college grad kada taon pero hindi tayo gumagawa ng libo-libong factory, hospital, tech company na kukuha sa kanila.
Kaya anong nangyayari?
Export ulit. Yung nurse natin, sa UK may trabaho na may degree. Dito, tambay.
Yung teacher natin, sa US may trabaho na may degree. Dito, contractual.
Hindi kulang sa talino Pilipino. Hindi kulang sa degree.
Kulang tayo sa trabahong may respeto sa degree na pinaghirapan mo.
Kaya kung degree holder ka at tambay ka ngayon hindi ikaw bobo.
Nasa bansa ka lang na mas mabilis gumawa ng graduate kesa gumawa ng trabaho para sa graduate.

No comments: