Tuesday, October 27, 2026

Usd/php rate

SIMULA NAGING PRESIDENTE KA MR PRESIDENT, TIGNAN MO TINAAS NG DOLYAR KONTRA PESO

YAN ANG HIGHEST USD/PHP RATE BY YEAR:

2016: ₱50.05
2017: ₱51.85
2018: ₱54.34
2019: ₱52.89
2020: ₱51.65
2021: ₱51.19
2022: ₱59.10 — DITO KA PUMASOK
2023: ₱57.04
2024: ₱59.06
2025: ₱59.33
2026: ₱64.00 — ALL TIME HIGH, PINAKAMATAAS SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Mr President, halos ₱13 pesos ang dinagdag mo sa palitan in 4 years. 

Alam mo ba anong epekto ng ₱64 na yan sa ordinaryong Pilipino?

AUTOMATIC TAAS LAHAT NG BILIHIN
Lahat ng imported, dolyar ang bayad — gasolina, krudo, bigas, sibuyas, gamot, harina, patuka ng manok, bakal, kuryente. Kaya yung petrolyo nasa ₱95-₱98 pa rin kahit wala nang gyera. Kasi hindi lang presyo ng langis ang problema, bagsak na piso ang problema.

LUGI ANG NEGOSYANTENG PILIPINO
Yung tindahan sa Divisoria, yung nagtitinda ng isda sa palengke — dati ₱10k puhunan, may tubo na. Ngayon ₱10k mo, kulang pa pang-renta. Kaya left & right ang sarado. PCCI na mismo nagsabi, survival mode na lang ang MSMEs. Hindi tamad ang Pilipino, pinatay lang ang puhunan niya ng palitan.

KAHIT OFW, TALO PA RIN
Akala ng iba, tuwang-tuwa ang OFW sa ₱64. Hindi. Kasi yung $200 na padala dati, malaki na sa Pinas. Ngayon $200 = ₱12,800 nga, pero yung bigas na ₱45 dati, ₱65 na ngayon. Yung gatas ng anak na ₱300 dati, ₱450 na. Mas malaki ang palitan, mas malaki rin ang gastos ng pamilya. Tabla lang, pagod pa.

LUBOG LALO SA UTANG ANG BANSA
Utang natin ₱19.065 Trillion na. At dolyar din ang bayad ng malaking parte nyan. Pag tumaas ang dolyar from ₱51 to ₱64, ibig sabihin yung utang natin, automatic nadagdagan ng trilyon-trilyon kahit wala tayong inuutang na bago. Tayo ang nagbabayad, pero sila ang gumastos.

Noon 2016-2021, stable ang piso, ₱50-₱51 lang. Nakakaraos pa. May pangarap pa magnegosyo.

Simula 2022 nung umupo ka, dire-diretso ang bagsak. ₱59, ₱59, ₱59, tapos biglang ₱64. Hindi na bagsak, free fall na.

Mr President, ang piso ang salamin ng tiwala ng mundo sa Pilipinas. Kung bagsak ang piso, ibig sabihin walang tiwala ang investor, walang tiwala ang negosyante, walang tiwala ang taong bayan.

Hindi lang numero ang ₱64.00 na yan.

₱64.00 — Yan ang presyo ng bigas na hindi na mabili.
₱64.00 — Yan ang dahilan bakit walang tao sa palengke.
₱64.00 — Yan ang dahilan bakit sarado ang Divisoria.
₱64.00 — Yan ang resibo na simula naging presidente ka, kami ang nagbayad ng kapabayaan.

Hindi kami nanghihingi ng awa. Gusto lang namin makita kung nasaan ang Pilipinas na pinangako mo.

#hustleoverslavery



No comments: