Kalusugan 101
Body Defense Mechanism
Ubo at sipon -GOOD YAN!
Nilalabas ang mga germs sa pag ubo at pagkakaroon ng sipon. Ganun pang may nalanghot o pumasok sa ating ilong o bibig sa paghinga o kinain. Minsan nasasamid para mailabas ito. Natural depensa natin yan.
Maplema - YES!
Gumagawa tayo ng plema para ma-trap mga bacteria/vurus at sumama sa pagdura natin. Kaya nga “expectorant” ang tawag sa gamot sa ubo na maplema.
EXPECTORANT - a medicine which promotes the secretion of sputum by the air passages, used to treat coughs.
Pagbahing - AYOS!
Mas mabuti para ilabas mga nasinghot na mikrobyo. Do it properly lang. Gumamit ng tissue paper at itapon na maayos.
Nasusuka at nag-tae! - PANALO!
Ganun din. Para mailabas mga toxic na nakain. Kadalasan hindi na kailangan bigyan ng gamot yan at pagnailabas na yung mga toxic na nakain back to normal na. Uminum lang ng madaming tubig para di madehydrate.
Pagpapawis - The best!
Pinapalamig ang katawan natin lalo na sa panahon ng tag-init. Yan din ang dahilan para malabas mga toxic sa katawan.
Nilalagnat - GALING!
Wag agad inuman ng gamot kung konting sinat lang. Depensa ng ating katawan ang pagtaas ng temperatura laban sa anumang impeksyon. Uminum ng madaming tubig at magpahinga lang muna. Ang masama yung tadtad ng impeksyon pero hindi nilalagnat.
Fevers aren’t always a bad sign; you may even have heard that mild fevers are a good indication that your immune system is doing its job.
An elevated body temperature triggers cellular mechanisms that ensure the immune system takes appropriate action against the offending virus or bacteria.
Mas masama yung may impeksyon ka at wala kang lagnat. Di lumalaban ang kayawan niyo pag ganun.
Now you know.
No comments:
Post a Comment