Thursday, June 25, 2020

Natural

Pati Tuob o Steam Inhalation kinontra?!!!

Ang tuob o stream inhalation ay HINDI masamang gawin para guminhawa at maging maluwag ang paghinga. Tamang paraan at pag-iingat lang para hindi mapaso. 

Anong delikado pinagsasabi ng DOH? 

Natural na hindi po gamot yan. 
May problema sa pag-iisip ang magsasabing gamot yan. 

Halimabawa: Uminum ka ng madaming tubig natunaw plema mo sasabihin mo bang gamot ang tubig? Ganun din ang steam inhalation, hindi gamot syempre. 

Hindi ka makadumi, kumain ka ng papaya at nakadumi ka na. Gamot ba ang papaya? Hindi po di ba? 

Wala pang covid-19 ginagawa na yang steam inhalation. Yung iba hinahaluan pa ng asin at pati nga vicks vaporub pwede, may namatay na ba? 

Ano problema ng DOH at ibang medical societies at sasabihing hindi nila renerekomenda yan. Simpleng paraan para makatulong sa mga tao kokontrahin pa! Pwede niyo naman sabihin na hindi gamot o pamatay sa covid-19 pero pwedeng gawin para lumuwag ang plema o sipon para makahinga ng maayos. 

Lahat na lang kinokontra niyo. 
Wala naman kayo sa tabi ng pasyente para laging suportahan sila.

No comments: