Wednesday, June 24, 2020

Pag isipan nyo.

PAG-ISIPAN NIYO PO ITO...

Doctor’s Goal: The well-being of patients.

To achieve this goal doctor needs treatment plan regardless of whatever modalities. Iba’t iba ang approach ng mga doktor sa panggagamot. 

Pero ito paniwala ko... 
• Kung may ubo at sipon ka at pinayuhan ka ng inyong doktor na uminum ng madaming tubig at magpahinga muna, mas matuwa ka. 

• Kung hindi ka makadumi at pinayuhan kang kumain ng papaya at uminum muna ng madaming tubig, dapat masaya ka. 

• Kung mataas ang blood pressure at sinabihan kang umiwas muna sa mga bagay na nagpapainis syo (mga bwiset sa buhay) at mag stress management muna, purihin mo ang doktor mo. 

• Kung mataas ang cholesterol at blood sugar niyo at pinayuhan kang mag dyeta at iwasan mga pagkain na pinagbabawal at sabayan ng regular na ehersiyo tapos ulitin ang blood test after 2 weeks ibig sabihin magaling doktor mo at gusto niyang ayusin muna ang pasyente kaysa sakit. 

• Kung di ka makatulog, kinausap kayo ng doktor at inalam kung may gumugulo ba sa isipan niyo. Pina-ehersiyo kayo sa umaga at pinagbawalan uminum ng kape, galing ng doktor niyo at walang tranqulizer na nireseta. 

• Kung sinisikmura ka, inalam muna yung lifestyle niyo kasama na mga bisyo at eating habits niyo. Sobrang taas ba ng stress sa pang araw-araw at nakakain ba sa oras o maya-maya kumain. 

Ang gusto kong iparating sa inyo, hindi dapat gamot agad ang katapat ng lahat ng daing ng pasyente. 

You’ll be surprise na ikaw pala ang tamang gamot sa sakit niyo. It’s how you badly really wanted to improve your health and the efforts you’ll exert that really matters. What you eat, what you do, and what stresses you could be the reasons why you are suffering. 

Pag-isipan niyo po kung tama ba ang ganyang approach para sa mas maayos na paggaling niyo. 

Ngayon, ito ang problema...
Kung gumaling ka sa mga pinayo sayo at siningil ka ng consultation fee malamang magrereklamo ka. Syempre, sasabihin mo, “HA! WALA NAMAN NIRESETA MAY PF!” 

In short, mismo ang pasyente ineexpect na may gamot na dapat ireseta sa kanya sa bawat reklamong sakit o masakit sa katawan. 

Gets niyo po ako? 

Good doctors will never be good enough to uninformed patients.

No comments: