BASA! 🤓
Ang iba sa inyo super tamad magbasa.
Kailangan niyong basahin ito para may matutunan kayong aral. Dahil mahalaga ang kaalaman para maging maayos ang ating kalusugan.
Mga hindi dapat ginagawa pagkatapos kumain.
1. Pagligo
Maghintay muna tayo ng 30 minutos bago maligo. Dahil kailangan ng ating sikmura ang maayos na pagdaloy ng ating dugo para sa pagtunaw ng kinain.
2. Paninigarilyo
Ang paninigarilyo pagkatapos kumain ay nakakasama sa ating kalusugan. Ginagawa niyong x10 yung bad effects ng sigarilyo sa katawan at mas mataas ang tiyansang magdulot ng kanser sa baga at bituka.
3. Prutas
Huwag po tayong kakain ng prutas pagkatapos kumain ng tanghalian o hapunan dahil ito’y hindi matutunaw maigi sa ating bituka kasama ng mga pagkain. Mas mabuting unahin ang prutas dahil sa mga taglay nitong enzyme at bitamina. “Eating fruit before a meal not only encourages extra fruit intake, it may also help you control your weight and meet your vitamin and mineral needs.”
4. Tsaa o Kape
Huwag na wag po nating sanayin na lagi tayong nagtsa-tsaa o nagkakape agad pagkatapos kumain dahil hindi po maganda ang maidudulot nito sa ating katawan. Maghintay ng at least 30 minutes bago magtsa o kape. At kaiilangan limitado o katamtam lang ang pag-inum ng tsaa at kape.
5. Pagsisinturon
Luwagan ang sinturon o pantalon pagkatapos kumain, tama o mali? Maling mali po. Isa lang itong senyales na kumain ka ng madami kaysa sa kinakailangan ng ating katawan.
6. Pagtulog
Huwag kang matulog agad pagkatapos kumain dahil pwedeng magdulot ng indigestion, bloatedness at mababaw na pagtulog. Gumawa ka ng kahit anong aktibidad na gusto mo tulad ng panonood ng telebisyon, pakikipag-chat sa mga kaibigan at pamilya, pero wag na wag kang matulog agad pagkatapos kumain. Maghintay ng at least 2-3 hours bago matulog para patuloy na nagtatrabaho ang ating panunaw o digestion.
7. Paglalakad-lakad
Maaari kang maglalakad pagkatapos kumain ngunit kailangan mo munang magpahinga kahit 30 minutos man lang.
No comments:
Post a Comment