IKAW BA AY...
Sinisipon sa umaga?
Nangangati ang ilong?
Parating barado ang ilong?
Maaring ikaw ay may Allergic Rhinitis (Allergy sa ilong)!
ANO ANG ALLERGIC RHINITIS?
Ang allergic rhinitis o allergy sa ilong ay isang kondisyon na dulot ng hindi pagkahiyang ng ating katawan sa mga bagay sa ating kapaligiran tulad ng:
• Pollen ng mga talahib at ibang halaman
• Alikabok sa bahay
• Balahibo ng aso at pusa
• At iba pa...
PAANO NAGKAKAROON NG ALLERGIC RHINITIS?
Sa karaniwang tao, walang naidudulot na sintomas ang mga bagay na ito pag ito ay nasinghot o kaya’y pumasok sa ilong. Ngunit sa taong may allergic rhinitis, kapag nakasinghot o pumasok sa ilong ang mga bagay na ito, labis ang reaksyon ng katawan upang labanan ito – naglalabas ang katawan ng kemikal na histamine.
ANO ANG SINTOMAS NG ALLERGIC RHINITIS?
Ang histamine ay nagdudulot ng mga sintomas ng allergic rhinitis tulad ng:
• Pamamaga ng ilong
• Labis na sipon o uhog
• Pagbara ng ilong
• Pangangati ng ilong
• Labis na pag-bahing
Nangyayari ito tuwing nalalanghap ng taong may kondisyong ito ang mga bagay na sila ay may allergy. Halimbawa: May allergy ka sa pusa. Pag pumunta ka sa isang bahay na may alagang pusa, bigla kang sisipunin at mangangati ang ilong mo.
MAY LUNAS BA ANG ALLERGIC RHINITIS?
Oo! Maaaring gamutin ang mga sintomas ng allergic rhinitis. Kabilang dito ay:
• Anti-histamine – Gamot na kumakalaban sa histamine upang hindi magkaroon ng sintomas ng allergic rhinitis
• Decongestant – Gamot na nag-aalis ng sipon na bumabara sa ilong
• Nasal Steroid – Para sa mas malalang kaso, pinipigilan ang pamamaga ng ilong.
May mga supplements din na pwedeng magpalakas ng immune system laban sa allergy. Ilan sa aking pinapayo sa aking pasyente ay ang sumusunog...
• IgCo Skim Milk with Colostrum
• Echinacea
• Bee Proposis
• Licorice
• Vitamin C with Rose Hips
• At iba pa.
KAILAN AKO PUPUNTA SA DOKTOR?
Kumonsulta sa doktor kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas ng allergic rhinitis upang masuri ng husto at mabigyan ng wasto at sapat na lunas. Huwag basta-bastang gamutin ang sarili ng walang payo ng doktor. Maaaring makalubha ng iyong kondisyon ito o mag-aksaya ng pera sa gamot na walang bisa.
TANDAAN: Ang Allergic Rhinitis o Allergy sa ilong ay kundisyon na nakakasagabal ngunit maaaring gamutin. Para sa wastong lunas, kumonsulta sa iyong doktor o health center.
No comments:
Post a Comment