1. Kung nag-positive ka pero asymptomatic, huwag kang nerbyosin. Kaya mong talunin ang virus sa masustansyang pagkain, sapat na oras ng tulog, multivitamins and minerals plus extra vitamin c with zinc, positive thoughts, isolation and prayers.
2. Kung nag-positive ka at malamang na sa workplace ka na-infect, wag ka ma-guilty. Kasi kaya ka nga nagtrabaho't pumasok sa opisina ay para sa kabuhayan ng pamilya.
3. Kung nag-positive ka, hindi mo kasalanan ito. Maliban na lamang kung sinadya mong balewalain ang payo para sa minimum health safety standards, nagpabaya ka sa katawan mo at hindi nag-iingat.
4. Kung nag-positive ang kapit-bahay o ka-barangay mo, wala silang kasalanan. Kaya huwag mo ng ikuwento kung kani-kanino na wala naman kaugnayan o maitutulong kundi ang pag-usapan ang buhay ng iba.
5. Kung nag-positive ang kapit-bahay mo, wag mong pandirihan o katakutan. Ang kailangan mong gawin ay maging maingat, sundin ang health safety protocols, at maging healthy. Mas kailangan ng na-infect ang peace of mind (hindi yung naapektuhan siya ng tsismisan), nutritious food, at prayers mula sa iyo.Yes prayers kesa ichismis yun kaylangan nya prayers🙏
6. Kung nag-positive ka at may mga sintomas gaya ng lagnat, ubo, masakit na lalamunan, pagtatae o nahihirapan sa paghinga, wag ng magpatumpik-tumpik. Kailangan mo ng magpa-confine para matutukan ang kondisyon mo at maasikaso ang pangangailangan mo.
#StayAtHomeStaySafe
#PayongKaibigan
#tiispamore
#CopyPasteAndPost
No comments:
Post a Comment