Minsan po yung tanong ng iba medyo mahirap i-interpret kaya mali ang sagot ko, o baka mali ang tanong nila...
Q: Dok pwede bang magpabunot ng ngipin habang nagpapabreastfeeding?
A: Pwede naman pero hindi ba pwedeng tapusin muna magpasuso bago magpabunot ng ngipin? Kasi baka mahirapan ka o yung dentista.
Q: Dok gusto naming mag asawa magkaanak ano po gagawin namin?
A: Mag-sex po kayo.
Q: Ano sasakyan papunta sa inyo?
(Hindi ko naman alam kung saan siya manggagaling.)
A: Depende po kung saan kayo manggagaling. Pwedeng eroplano; barko; bus; train; kotse; sidecar o maski lakarin lang po.
Q: Lumalaki tyan ko. Anong sakit ito?
(Wala ng ibang detalye kung lalake o babae; bata o matanda; may regla pa o menopause na at iba pang mahalagang impormasyon)
A: Possible answers:
Baka matakaw ka kasi.
Baka nakalunok ng pakwan.
Baka buntis.
Baka hindi natunawan ng kinain.
Baka hindi regular pagdumi.
Baka may bukol sa bituka.
Baka may kanser sa atay.
Baka may kanser sa sikmura.
Baka may tumor sa obaryo.
Baka baka baka...
Baka mas mabuting magpatingin sa doktor para masuri maigi.
Note:
Ang Gabay sa Kalusugan - Dr. Gary Sy ay para magbigay ng mga impormasyon at kaalaman para sa inyong kalusugan, paano makaiwas sa sakit; makapagbigay ng konting kasiyahan; at paalalahanan na mahalin ang magulang at nakatatanda. Hindi po ako manghuhula. 😆😆😆
Maraming salamat po.
Biro lang yan, pero totoo po.
No comments:
Post a Comment