Thursday, July 16, 2020

Ikaw pa rin.

Ito po ang laging kong sinasabi sa pasyenteng ayaw sumunod sa ikabubuti ng kalusugan niya...

Ayos lang sana kung ikaw lang mahihirapan sa sariling kagustuhan. Ang problema nang damay ka pa ng iba. Yung asawa mo, anak mo at mga nagmamahal sayo sinabit mo pa. Ok lang kung pag napuruhan ka diretcho tigok na. Paano kung nabedridden ka? May magpapakain syo, magpapaligo, pupunas ng pwet mo pag umebs ka, babantayan ka at aasikasuhin kasi mahal ka nga nila. Teka, madami ka bang ipon? Paano gastusin nila? May pinapaaral ka pa ba? Sana sa bawat hithit mo ng yosi at tungga ng alak kasama ang barkada isipin niyo mga mahal niyo sa buhay hindi lang sarili niyo. Hindi kita kaano-ano pero concern lang ako sa inyo at pamilya mo. Pero ikaw pa rin ang bahalang magdesisyon.

No comments: