APVI- This is a different kind of game, lalo na at talagang jockey stocks sya. Nakita ko sa Bid and Ask kanina na madaming naglagay sa flooring price pero hindi ito sinuportahan ng Bidding or Jockey sa Bid side. At nagopen pa ito ng more than -10% loss at mas bumaba pa sa mga unang minuto ng open ng market.
Kaya lahat ng bumili kahapon sa closing at nagpreselling sa flooring price kaninang opening ay sureball loss. Mas mainam na tignan nyo din po ang projected open, jockey ito which means mind games sya.
Sa tingin nyo ba hindi alam ng mga jockey yun technique na ginagawa natin sa ceiling play. Na hindi nila kayo nakikita at napapansin na ang dami nyo naglagay sa flooring price. Pwede nman magamit ang dynamic threshold kung kailangan talaga while the market is open. Wise sila at magagaling, thats why kailangan maging wise din tayo, innovate, upgrade at maging resourceful din.
Ang ginawa ko kanina tinignan ko projected open at nakita ko na babagsak sya walang alalay sa Bid. Lahat nasa flooring, huling huli kayo... Nun nagopen market, sinisilip ko ang market depth, yun lalim nya mismo.
Bumili ako kahapon ang average ko ay 39, at kung nashake ako sa opening, natalo sana ako ng more than 20k. Sa trading technique dapat marunong ka makiramdam, trading instinct. Naghintay muna ako ng 1st 3-5mins which is the crucial time sa market opening and momentum. Kung sa unang 3mins pa lng ay wala na talaga, dun na yun decision na magsell on loss.
Swerte nman at pagkatapos maexecute lahat ng nagpreselling sa floor price, nung naubos sila ay bigla nman tinulak ng jockey. Kaya nman nakalabas ako ng may 20k gain mahigit haha 😁😁, masaya na ako dyan. Hindi man ako sa high price nakabenta, thankful pa din ako na hindi natalo.
Kung hindi kayo nakalaro, wag na manghinayang dahil hindi talaga lahat ng trade ay para satin. May panahon para matuto at magobserve, hindi pwedeng instant dahil hindi yun reliable sa long run, merong proseso talaga na hindi natin pwedeng ideny.
Kung natalo kayo sa play na ito, pwede malungkot sandali pero kailangan magmove on. Hindi madali, nakakatulala yun tipong ayaw mo makipagusap kahit kanino, yun tipong gusto mong maiyak. But what to do? Life goes on, kung hindi ka magmmove on mapagiiwanan ka. Nakamove on at trade na ulit yun iba pero ikaw wala pa din.
At kung nanalo ka, thank God, smile and be happy 😃. All traders must learn their lesson well. Congrats sayo 🎉🎉
Ayan ha, super sinabi ko sa inyo lahat ng naobserve ko. Hindi ako madamot sa technique and learnings. Trading is not easy but its worth it.
Para sa lahat ng trader na nagsisikap matututo, tuloy tuloy lng para sa pangarap. ❤️❤️
______________________
Guillen Rocher
No comments:
Post a Comment