Tuesday, April 26, 2022

Gerd

 Ano ang Acidic?


-> Kapag acidic ang isang tao, humihina ang immune system at madaming sakit ang dumadapo.


-> Bakit nagiging acidic ang isang tao?


Dahil sa hindi tamang pagkain, walang ehersisyo, paginom ng alak ng walang laman ang tiyan, pagpapagutom paninigarilyo at pagpupuyat.


*Sintomas ng Gerd o Acid Reflux:

Panlalamig

Sorethroat

Parang sinasakal

Sakit ng ulo

Bara sa lalamunan

Dry cough

Bloated

Hirap huminga

Dighay at utot

Anxiety

Hilo

Pananakit ng mga buto

Panghihina

Chest pain

Hirap sa patulog

Pagbilis ng tibok ng dibdib

Pananakit ng tenga dala ng pasulpot sulpot na sipon


*Kadalasang mga komplikasyon:

Paghina ng immune system

Allergies (hika,ubo, sipon, sakit sa balat)

Pamamaga ng esophagus

Laryngitis

Mabilisang pagpayat


*️Mga bitaminang nawawala sa katawan:

Magnesium

Calcium

Protein


(Huwag kakalimutan mag vitamins na rich sa mga ito)


*Mga dahilan ng pagsumpong:


Kapag ang tyan natin ay madaming bad bacteria o ang mga kinakain natin ay matakaw ang bad bacteria tulad ng carbohydrates, dumadami ang bacteria nagiging sanhi ng pag utot at dighay.


*Mga remedy:


Mga pagkain at inumin n mayayaman sa Alkaline-

Green na gulay

Mga prutas na makakatas (walang citrus)

Alkaline water

Probiotic drinks (yakult, WKG-water kifer grains)

Vitamins na non acidic

Saging

Soy food


*Mga pagkaing dapat iwasan:


➖Kape, Wine

➖Mga pagkaing mahirap tunawin ng tyan

➖Red meats (mahirap matunaw)

➖Mga starchy fruits at vegetables

➖Pagkaing mayaman sa unhealthy carbohydrates: -cake, softdrinks, etc

➖Prutas na maasim

➖Pagkaing mamantika


*Mga dapat gawin:

➖Nguyain ng maigi ang pagkain

➖Sumubo ng konti lamang tuwing kakain

➖Huwag hihiga agad pagkakain, mainam na maglakad lakad muna

➖Matulog ng mataas ang unan (upang hindi umakyat ang acid pataas)

➖Matulog pakaliwang bahagi ng katawan para ma balance ang acid sa tyan habang tulog

➖Kontrolin ang utak kung nakakaramdam ng kaba, sanayin ang katawan at isip sa pabago bagong mood ng katawan

➖Tanggapin ang sakit at tulungan ang sarili makabawi

➖Uminom 1 oras bago kumain ng alkaline water/ wag iinom habang kumakain/uminom pagkatapos ng 30mins pagkakain

➖Iwasang magpupuyat at magpapagod

➖Iwasang magpapagutom

➖Iwasang magpapakabusog para hindi mabloated ang tyan na nagiging sanhi ng reflux

➖Maging positivo at lakasan ang loob

➖Tigilan ang bisyo


Ang ACID REFLUX/GERD ay nagagamot NGUNIT bumabalik oras na maulit ang pagbalik ng mga bad bacteria at sobrang stress, HINDI ito nakamamatay. Nagtatagal ito sa katawan DEPENDE kung gaano kadami ang bad bacteria sa tyan o kung paanong diet ang ginagawa. Sundin ang healthy lifestyle kung kinakailangan upang mabilis gumaling.


Gawing positibo ang araw araw na gawain dahil ang stress at galit ay nagpproduce ng acid sa katawan kaya mahalagang laging masayahin at maayos na pagkain...


At huwag kalimutang kumunsulta lagi sa Doktor!

No comments: