Tuesday, April 19, 2022

Too much achievement.

 My wife said this morning;


“10 years na pala akong graduate, parang wala akong personal achievements”


To which I immediately responded.


“Wag mo sabihin yan. Yung achievement ko, achievement mo. Kasi hindi ko naman magagawa ng wala ka ehh”


Totoo naman. Kaya nakakaalis ako para magsite kasi alam ko naaalagaan mo ng mabuti babies natin.


Kaya nga malakas loob ko, kasi alam ko you have my back and you will support my decisions.


Kaya kapag nagpost ako, hindi ko na chinecheck kasi alam ko na kung may typo, magmemessage ka kaagad.


Kaya nga yung mga maliliit na bagay, hindi ko na napapansin kasi nandiyan ka naman.

-pag iwan ng tuwalya kung saan

-hindi pag flush hahaha

-paghagis ng damit

-simple things that I don't notice anymore kasi alam ko nandiyan ka naman


Kaya nga may gising na gising ako sa pagdridrive kasi kapag malayo yung site, hihintayin ko yung kape mo.


And kaya kapag may talk ako, may boses ako kasi nandiyan yung turmeric ko.


Kaya kapag pagod na pagod ako, alam ko dadatnan ko or lulutuin mo na ulam.


Hindi totoong wala kang achievement, kahit personal, sa pagiging financial advisor mo, sa mga plantitas mo, sa pagiging taga review ko ng documents. Dami mo ng na achieve.


Yung mga anak natin, mababait, matatalino and loving kasi nandiyan ka lagi. Mas pinili mo yung freelance work para mas marami kang time sa kanila, sa amin.


And dahil nandiyan ka, I’m free to reach higher. That’s why every achievement I get, you are a big part of it.


You are the scaffolding to my structure, in the end, people won’t see what you’ve done, but this structure won’t go higher without you.


I love you 🧡🧡🧡

No comments: