Dahil kung totoong mahal mo ang pamilya mo, never mong pipiliing maging burden lalo na kung nasa tamang edad ka na.
Maging masaya ka pag may isa sa pamilya mo ang nananalo sa buhay. Wag mong kainggitan, wag mong hilahin pababa, wag mong ubusin. Ipagpasalamat mo sa taas na kahit papano, may isa sainyo ang hindi na nakakaranas ng hirap. Putulin na natin yong toxic Filipino culture na pag may isang umangat, don na iaasa lahat. Tamana yong isa lang breadwinner breadwinner. MAS MAGANDA kung LAHAT, breadwinner. Mas payapa ang pamilya, mas tahimik, mas walang sumbatan at sisihan. Imagine if palaging isa lang breadwinner tas sakanya huhugutin lahat? Imagine the stress, the pagod. Mauubos sya kakasupply sa mga wala namang planong umusad.
Hindi masamang tumulong, pero yong mang obliga? At magalit ka pag hinindian ka? Yon ang masama. Lahat tayo may kanya kanyang laban, yong iba masyado ng pagod para saluhin pa yong laban mo. Pag may tumulong sayo, be thankful and Make sure magamit mo sa tama, hindi sa luho bcoz not all the time may handang umalalay sayo. 😉 Minsan din, yang mga tumutulong na yan, hindi nag aantay bayaran mo yan. Balikan mo lang ng respeto at pasasalamat, masaya na yan. Ipakita mo lang na sulit kang tulungan at naayos mo buhay mo, goods na yan. ❤️
Pag hinindian ka naman, still be thankful. ❤️
Baka napagod na kasi sayo. Baka after ka tulungan, puro pangit sinusukli mo. Nakadepende din kasi sa actions mo ang “Oo o Hindi” ng isang tao. 😊
#DailyDoseOfIvy
No comments:
Post a Comment