Happy Teachers Day!
Types of Teachers in School
1. Amor Powers - Ito yung teacher na sobrang bait, walang pakialam sa inyo kahit mag-batuhan kayo ng upuan, matulog, o mag-chismisan, continue lang siya sa discussion kahit walang nakikinig, hindi kayo pagagalitan pero sa grades kayo babawian. Pero dito niyo matututunan ang self-discipline. Walang ibang didisiplina sa inyo kundi ang mga sarili niyo. Kaya kung hindi niyo kayang disiplinahin ang mga sarili niyo, get ready for the consequences.
2. Bestieacher - Ito yung teacher na tropa outside the school, sumasama sa walwalan at inuman pero kapag nasa loob ng classroom, who you. Walang tropa-tropa. Bagsak kung bagsak. Pero dito niyo matututunan ang professionalism. Hindi sa lahat ng bagay at oras aasa ka dahil tropa.
3. Ursula - Ito yung teacher na maamoy niyo palang kinakabahan na kayo. Sobrang sungit. Mahilig mamahiya, mahilig mambagsak, walang consideration, "Late ka one minute? Wag ka nang pumasok sa klase ko", "Namatayan ka? Pake ko?" Madalas mang-power trip. Pero dito niyo matututunan ang matindihang disiplina, dahil sa ganitong tipo ng teacher, magiging perfectionist kayo. Matututo kayong maging on time palagi, at no place for being tamad.
4. SM Cinema - Ito yung teacher na pag pasok na pag pasok, open ng projector, mag-piplay ng movie, pagagawain kayo ng reflection paper, tapos siya? Ayun, nasa pinaka-likod at kasuluk-sulukan ng classroom, natutulog. Pero dito niyo matututunan gumawa ng pelikula. At least may konting knowledge kayo about sa course ng Mass Comm. di ba, Film production, ganern.
5. The coolest - Ito yung teacher na gagawin ang lahat makuha lang ang atensiyon at interests ng mga estudyante niya. Gagamit ng memes, hugoat, kpop, comedy, or anything na trendy sa subject niyang boring para maka-relate at maging attentive ang mga students sa discussion. Ito yung tipo ng teacher na favorite ng karamihan. Dito niyo matututunan lahat ng tungkol sa subject na itinuturo niya with willingness to learn, walang pilitan at bukal sa loob, dahil lahat kayo game mag-participate.
6. Roleta - Ito yung teacher na mas marami ang araw ng inabsent kesa sa araw ng ipinasok. Matatapos na ang semester pero hindi niya pa rin kayo kilala. Yung mga grades na hokus pokus at hindi niyo alam kung paano ginawa. Magugulat na lang kayo na pati yung nag-drop niyong blockmate prelim pa lang may final grade pa sa kaniya. Dito mo matututunan ang hindi umasa sa iba. Matuto ka para sa sarili mo. Mag-aral ka para sa kinabukasan mo dahil walang kwenta ang teacher mo. Lol.
7. The clown - Ito yung teacher niyong gusto good vibes lang sa classroom. Kahit korni na yung jokes tawa lang. Asaran. Chill lang. Happy lang.
Pero maiiyak ka kasi sobrang hirap mag paexam, at mas maiiyak ka kapag nagbigay na ng grades. Pero dito niyo matututunan na hindi lahat ng bagay naidadaan sa biro at sa tawa, may mga panahong dapat mag-seryoso.
8. The boring - Ito yung teacher na sobrang boring mag turo. Yung boses niya parang lullaby. Kaya kapag inikot mo mata mo sa clasroom, halos lahat ng kaklase mo kinukuha na ng liwanag. Pero dito niyo matututunang lumaban. Malaki ang gamit nun sa workplace dahil kapag nakita kayong tulog sa trabaho, panibagong update ka na naman ng profile sa Jobstreet.
9. The story teller - Ito yung teacher na ang daming segway na kwento. Sa dami ng kwento niya, lumayo na sa topic hanggang sa wala na kayong natutunan sa subject. Okay lang sana kung yung mga kwento niya ang pinapaexam niya, hindi naman. Though, dito kayo matututong mag-sariling sikap, self-study sa bahay. Sulit ang ibinayad sa libro at photocopies, laspag pagkatapos ng semester.
10. Lastly, The viewer - Ito yung teacher na puro pa-report. Yung tipong siya na yung naging estudyante at kayo yung naging teacher. Araw-araw nakaupo sa likod, madalas busy sa phone, 'di nakikinig sa inyo, ganon buong semester. Pero dito niyo matututunang labanan ang stage-fright. Matututo kayong mag-present, mag-salita in front of the crowd, at dito madedevelop ang reporting skills niyo. Malaking tulong sa job interviews, presentations sa office, and etc.
Nakapag-ambag man sila ng knowledge sa atin o hindi, they are some of the people that we will never forget.
Pic and write-up CTTO
No comments:
Post a Comment