Monday, October 31, 2022

Comment.

Napunta ka sa comment section ng mga pinoy, dito ka makakakita ng ibat-ibang mga professional na tao,

tulad ng mga sumusunod:

COMEDIAN: sila ang mga nagcocomment ng mga joke at minsan yung mga siryosong bagay ginagawang katawa-tawa

LAWYER: mga mahuhusay sa batas, at pababasahin ka pa ng mga article

HISTORIAN: mga nakakaalam ng history ng lahat ng naganap na parang nandun mismo sila sa panahon at pinangyarihan

PHILOSOPHER: mga mahuhusay sa pamimilosopo

FORECASTER: mga nakakaalam ng mangyayari sa hinaharap

PSYCHOLOGIST: nalalaman nila na malungkot ang buhay mo at hindi ka mahal ng magulang mo

MENTORS: nalalaman nila ang dapat mong gawin at hindi dapat gawin, di ka mananalo sa kanila dahil bubu ka para sa kanila

RESEARCHER/EDITOR: mabibilis sila maghanap ng pictures at i-edit, pag kinontra mo sila or di nila nagustuhan comment mo siguradong auto-edit yang picture mo

DETECTIVE: mahuhusay sila mag analisa, alam nila na binayaran ka lang sa comment mo

RACER: sila lagi ang pinakamabilis pag dating sa usapang motor, sa comment section palang mga nagkakarera na

REFEREE: mga mahuhusay pag dating sa usapang basketball, kulang nalang magsuot ng uniform ng referee

TAMBAY: sila naman ang mga nagcocomment at naghihintay sa pangakong 10 libo kada pamilya

No comments: