Nanghikayat ba talaga ng investment o nagpasarap lang sila sa Singapore habang kakatapos lang ng bagyong Karding?
Depende kung sinong tanungin mo pero ang malinaw diyan ay wala lang talagang delikadeza kahit pa may investment o wala.
Wala naman kasi silang pakialam kung anong isipin natin at wala naman tayong magagawa kasi gusto nila. Malamang na wala rin silang nakikitang mali diyan kasi sanay sila sa ganyang kaugalian na kinalakihan nila at may mga alipores pang magtatanggol pa sa kanila.
Maski naman sa ordinaryong tao na walang nakakasita, di ba kapag pinagsabihan mo ay di ka rin iintindihin, di rin makikinig bagkus ay magdadahilan pa, saka meron pang mga kaibigan na magsisinungaling pa para pagtakpan sila. Masaklap na sa iyo pa galit.
Kawalan lang talaga ng delikadeza kasi nga walang pakialam, walang makakapigil, wala nang pang-unawa kung bakit mali at may kakampi pa. Malamang na may kilala kayong ganyan, isipin niyo at ikumpara.
Sabagay, wala naman talaga tayong magagawa kundi mapikon at malungkot na lang sa kawalan ng delikadeza kasi tayo ang nakakaintindi at totoong may malasakit.
Maghintay na lang talaga kung anong mga susunod na mangyayari at ilaan pa rin ang suporta sa ikakabuti.
Huling hirit na lang sakaling di pamilyar sa word - delikadeza - ito kasi ay ang pag-iwas na may masabi pa ang ibang tao at pagpapahalaga sa iisipin nila para hindi masira ang reputasyon ng isang tao.
Sa ating mga Pinoy, madalas tayo makarinig na "wala akong pakialam sa isipin at sabihin nila basta ganito ganyan ganire". Pero hintayin mong kumalat ang tsismis, ayan na siyang galit na galit.
Nasa mood lang ako magpost kahit walang magbabasa sa sobrang haba hahaha...
The End
No comments:
Post a Comment