Saturday, March 30, 2024

Ito ang pangarap ko sa inyo.

 Ang gusto ko mangyari sa inyo ay balang araw makapag tayo kayo ng mga sarili ninyong talyer sa bawat probinsya ninyo. 


Hindi kayo habang buhay magiging mekaniko dito, yung iba magiging manager at supervisor, yung iba sa inyo ay magiging shop owner katulad ko. 


Kumuha lang kayo ng kaalaman at experience dito sa shop at kapag kumpleto na kayo, mag shop na kayo sa kanya kanya ninyong lugar. Mag pundar kayo dahan dahan ng tools dahil yan ang sandata nyo. 


Hindi lang pera ang puhunan sa pagtatayo ng isang talyer, basta may kaalaman ka at karanasan, kahit sa maliit na garahe, gilid ng kalsada o ilalim ng puno makakapag gawa ka. Ganyan din ako nag simula.


Baunin ninyo ang mga natutunan ninyo dito sa EZ Works Garage, susuportahan ko pa kayo.


Dahil hindi trabahador ang tingin ko sa inyo kundi mga kaibigan ko, gusto ko kayo lahat umasenso. 


Ibigay nyo lagi ang best nyo at naniniwala ako na isang araw ay magtatagumpay kayo. 🙂

No comments: