Ganitong panahon nuon kasagsagan ng paghihirap ko yung ganitong buwan nagsimula ang mga matitinding sintomas na akala ko mamatay na ako..ganitong araw nuon nag simula ang palpitation ko ang mga pag aalala at matitinding nerbyos. GERD (Gastro esophageal reflux disease) ito yung mas mahirap pa kaysa Acid reflux dahil pabalik balik ito ..ito yung pagtaas ng acid mula sa tyan papunta sa lalamunan ..bakit ito nangyayari kasi yung balbula na tumatakip sa pagitan ng tyan at esophagus natin ay tumatagas kaya nag ka leak at bumabalik ang acid pataas dahil dito ang taong May GERD nakakaramdam ng pangangasim , heartburn,mapait o.maasim na panlasa.tila May bara sa lalamunan,pag ubo at panunuyo ng lalamunan kadalasan yung iba namamaos at ang mahirap pagsakit ng dibdib na parang tinutusok tusok na kadalasan napagkakamalan na sakit sa puso..hindi dapat balewalain ang GERD kasi dumadami ang mga sintomas nito pag napapabayaan dito din magsisimula si anxiety at depression na lalong magbibigay pahirap sa sakit ..ganyan ako nuon namayat ng sobra dahil sa stress sa takot..kahit pa nga yung mga resulta ng lab test ko ay normal lahat...ano ang dapat gawin ..para sa GERD kahit umiinom ka ng gamot hindi ibig sabihin okey ka na na makakain mo na yung mga pinagbabawal ..hindi ganun disiplina wag matigas ang ulo..ayusin ang lifestyle iwasan ang mga bisyo , iwasan ang magpuyat..kumain sa tamang oras small but frequent yung hindi nagpapaka busog ,uminom ng sapat na tubig..kung May mga herbal kayong makakasundo at giginhawa kayo go lang .ako sa awa ng diyos hindi na ganun ka tindi ang aking acid minsan inaatake padin. hindi dahil sa maling kinain kundi dahil kay anxiety na hanggang ngayon ay nasa sistema ko padin pero atleast alam ko na ang aking gagawin..natuto na ako.sana kayo din gumaling na din at sobrang hirap talaga ng ganitong sakit 🙏🙏♥️ #GERD #anxiety #wednesdaymotivation
No comments:
Post a Comment