Payo ni Doc Willie Ong
Kapag may inatake ng stroke, kumilos agad (Time is brain).
1. Dalahin agad sa Emergency Room (ER) ng malaking ospital ang pasyente, mas mabuti kung gobyernong ospital. Tumawag kaagad ng ambulansya (+63216911 Lifeline pero may bayad po) o isakay sa taxi, tricycle, jeep o sasakyan ninyo o ng kapitbahay. Kung mahirap buhatin, kumuha ng silyang plastic, iupo ang pasyente at pagtulungan ng 4 na tao para madala sa sasakyan. Huwag po maghantayan o magpalipas ng ilang oras kung ano ang gagawin, dalahin agad sa ER.
2. Itatanong sa ER sa nagdala sa pasyente . Gaano na katagal simula nung unang nakita ang sintomas ng stroke?
3. Sintomas ng Stroke:
Ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan para malaman kung na-istrok ang isang tao ay sa pamamagitan ng pag-tanda sa BEFAST test ng American Stroke Association.
Kapag may pinaghihinalaan kang na-istrok, suriin agad ang mga sumusunod:
B - Balance (Balanse): Biglang nawawalan ng balanse, nahihilo, hindi makatayo, natumba, hindi derecho ang lakad, hindi makalakad, nakaupo o nakahiga na lang, o ayaw nang magising.
E - Eyes (Mata): Biglang lumalabo, nadodoble, o nawawala ang paningin sa isa o parehong mata.
F - Face Drooping (Paglaylay ng Mukha): Tumagilid ba o namamanhid ang isang bahagi ng mukha? Pangitiin ang tao para makita kung pantay ito.
A - Arm Weakness (Panghihina ng Braso): Biglang nanghihina o namamanhid o walang pakiramdam ang isang braso o binti. Paangatin ang dalawang kamay; tingnan kung bumabagsak ang isa. Hindi makagalaw.
S - Speech Difficulty (Hirap Magsalita): Naubulol ba, nabibilaukan, o hindi maintindihan ang sinasabi o hindi makausap? Pasabihin siya ng isang simpleng pangungusap.
4. Mga DAPAT IWASAN:
HUWAG magpakain o magpainom: Maaari silang mabulunan.HUWAG magbigay ng gamot: Iwasang magpainom ng aspirin o iba pang gamot nang hindi nag-a-advice ang doktor.
5. Sa unang 24-48 oras kung stable na ang pasyente, hilingin sa inyong doktor na i-refer agad sa Physical Therapy o Rehabilitation Doctor, hindi po dahilan na magpapahinga muna. Ang rason ay para masulit ang "Golden Period" ng utak at maiwasan ang mga permanenteng komplikasyon sa katawan tulad ng pagtigas ng kasu-kasuan at bed sores.

No comments:
Post a Comment