Friday, June 19, 2026

Malunggay

TIPS SA PAGTATANIM NG MALUNGGAY SA CONTAINER.

1. Maghanda ng container, at least 16 liters capacity, mas matibay ang mga pinaglagyan ng pintura. Kung makakakuha ng mas malaki mas maganda.

2. Lagyan ng lupa. Huwag maghahalo ng mga materyales na pampabuhaghag kagaya ng ipa ng palay at cocopeat dahil kapag buhaghag ang lupa, madaling magalaw ang sanga ng malunggay dahil mahina ang kapit at hindi na magtutuloy sa pag-ugat.

3. Magputol ng katawan ng malunggay, gawin ito sa umaga dahil sa ganitong mga oras ay mataas ang water content ng puno, hindi basta matutuyo kapag itinanim na sa container.

4. Ang dulong bahagi ng pinutol na malunggay ay dapat patulis para kahit mabasa o umulan hindi magpenetrate ang tubig sa loob, upang maiwasan ang pagkabulok.

5. Ilagay muna pansamantala sa lilim hanggat hindi pa nagkakaroon ng mga maliliit na dahon. Kapag may umusbong na, saka ilagay sa mainit na area.

6. Magdilig kapag tuyo na ang lupa. Kapag basa pa, huwag muna.

7. Regular na magbigay ng FPJ para hindi manilaw ang mga dahon at maglagas.

8. Magbawas ng ugat pagkalipas ng 8 o maximum 1year. Mapupuno ang balde ng ugat at hindi makakahinga. Tanggalin ang puno sa balde at gawin ito kapag tuyo ang lupa. Bawasan paikot at magtira lamang ng isang dangkal na lupa mula sa puno. Ibalik pagkatapos at lagyan ulit ng bagong lupa.

#donbustamanterooftopgardening





No comments: