Sa mahabang panahon ng buhay ko na nailaan sa pag aawdit, nakalulungkot man pero yan ang katotohanan.
Napakahirap makapag-pakulong ng sinasabing malaking isda, o sa ingles, the “proverbial big fish “ in the fight against corruption.
Sila itong sa dami ng naisubi mula sa pera ng gobyerno, kayang-kayang kumuha ng mahuhusay na abogado. Kayang mag-bayad ng mga testigo!
Dadaanin sa technicalities, at minsan may kasama pang harassment at takutan.
Lahat naman ito ay nalalampasan kung sama-sama at magka-katulong ang taumbayan, simbahan at mga businessman pati na ang paaralan!
Lugmok na tayo sa kahirapan, kailangan bang lugmok na rin sa kawalan ng dangal bago tayo lubusang magising na ang pag-laban sa katiwalian ay laban ng bawat mamamayan?

No comments:
Post a Comment