Sunday, June 21, 2026

Trade well

 Dating tinitingala na stock ito.


Kapag sinabi mo na bababa below 20 pesos ang ABS 12 years ago ay tatawanan ka ng karamihan at iisipin na you are out of your mind.


Ngayon nasa 1.98 pesos na lang siya.

Gumawa ng bagong 52 week high.


Ito yung mga dark side ng "buy and hold" na hindi mo makikitang pinag-uusapan.


Andami pa dati nagsasabi na "papuputol ko kaliwang braso ko kapag bumagsak si ABS below 20"


"Never mawawala ang ABS kasi nandyan na yan bago pa ako ipinanganak kaya your investment is in good hands."


"Teleseryes are booming."


"Primetime tv shows are booming!"


"Noontime tv shows are booming!"


That was 12 years ago.


Ngayon ay nasa 1.98 pesos na lang si ABS.


Kung nangyari ito kay ABS ay pwede din itong mangyari sa kahit anong stock.


Kaya mahalaga na naiintindihan mo na may risk ang bawat investments or bawat trade mo when it comes to stock market.


Cutting your losses is a must kasi yan lang ang pwedeng magsave sa pera mo. Yan lang yung magpoprotect sayo.


Hindi lahat ng mga solid stock noon na may great fundamentals ay solid stock pa din ngayon na may great fundamentals.


Hindi lahat ng solid stock ngayon na may good fundamentals ay solid stock pa din with good fundamentals sa future.


Nagbabago ang funda ng bawat stock as time goes by. Nagbabago ang earnings ng bawat company behind the stock as time goes by.


Walang may nakakapredict on what will happen sa future kaya mainam talaga na na kaya mong iprotect ang capital mo.


You will sometimes hear stories about some traders or investors na nakakachamba sa trades at investments nila. Tipong nabili nila ang stock sa 1 peso at ngayon nasa 10 or 20 pesos na.


Nangyayari ang mga ganyan.


But...


Wala kang maririnig na kwento mula sa mga traders na tumagal sila sa trading for 10 or 20 years dahil sa chamba.


Lahat ng tumagal sa mundo ng trading ay eventually natututong magcut ng losses nila.


They may start off thinking na may "special" stock picking skills sila or may eye sila magspot ng mga "growth" stocks. Eventually ay matututo sila na magcut ng losses nila kasi if they don't ay di sila magsusurvive.


Longevity is king sa trading. 

Ride your winners and cut your losses faster than others.


Trade well po🄰

No comments: