Hindi okay na taasan ang breaker basta-basta Delikado yun.
Yung breaker nagti-trip kasi may problema talaga hindi sya basta mahina.
Bakit nagti-trip ang breaker?
Overload. Masyado maraming appliances sabay-sabay sa isang linya o kaya
Short circuit May dumikit na live at neutral wire .
Pwede ring .
Ground fault May leak yung kuryente.
At pwede ring Sirain na breaker Pero bihira to.
Bakit delikado taasan ang amperahe?
Yung wire may limit lang. Halimbawa: 20A lang kaya ng #12 wire. Pag pinalitan mo ng 30A breaker, hindi na magti-trip kahit overloaded na yung wire. Resulta iinit yung wire sa loob ng pader sunog.
Yung breaker ang fuse. ng bahay mo. Sya yung sumasalo para di masunog yung wiring.
Dapat gawin pag laging nagti-trip
Bawasan muna load Wag sabay sabay aircon, ref, heater, rice cooker sa isang outlet
Ihiwalay ang linya Heavy appliances sariling breaker/circuit dapat
Pacheck sa electrician May clamp meter sya para malaman kung overload o short circuit. Yung clamp meter na hawak sa pic, pang-check talaga yan ng amperahe
At Kung palit breaker Dapat sabay palit ng mas makapal na wire. Electrician lang dapat gumawa nito
At Ang breaker dapat mas mababa o equal lang sa kaya ng wire, hindi sa appliances.
Huwag mo i-tape o i-jumper para lang di mag-trip. Mas delikado pa yun kesa mag-brownout.
No comments:
Post a Comment