Maagang Pagpapahinga: Kaya natin mag-retire sa edad na 45 years old kung walang corrupt. Hindi 'yung kung kailan matanda at may sakit na, doon pa kailangang kumayod.
Libreng Kalusugan: Kaya natin i-zero bill ang hospitalizations kung walang corrupt. Hindi mo na kailangang mamili sa pagitan ng panggamot o pagkain.
Mababang Gastusin: Kaya natin magbayad ng 50 percent lang sa bill ng kuryente kung walang corrupt. Mas malaking maiipon para sa pamilya.
Ginhawa sa Biyahe: Kaya natin ng modernong mass transport kung walang corrupt. Tapos na ang kalbaryo sa trapiko at siksikan.
Dekalidad na Edukasyon: Kaya natin magpatayo ng public school na may aircon kung walang corrupt. Ginhawa at mas maayos na pasilidad para sa kinabukasan ng kabataan.
Karangalan sa Mundo: Kaya natin makipagsabayan sa Singapore kung walang corrupt. Hindi tayo huli; mayaman ang ating bansa sa talento at likas na yaman.
Makatarungang Kita: Kaya natin itaas ang sahod ng mga manggagawa sa iba't ibang sektor, private man o public, kung walang corrupt. Atas ng tamang pagpapahalaga sa pawis ng Pilipino.
Ang Masakit na Katotohanan
Ngunit bakit nananatiling pangarap lang ang lahat ng ito?
Dahil sa kasalukuyan, ang lahat ng ito ay hanggang panaginip na lang muna. Ayon sa mga pagtantiya, ang corruption sa Pilipinas ay nasa 80 percent—ibig sabihin, 20 percent na lang ang natitira at napupunta para sana sa taong bayan.
Isipin mo kung ang 100% ng kaban ng bayan ay napupunta sa tunay na serbisyo. Hindi natin kailangang maging mahirap. Kaya natin. Pwede natin itong maranasan. Kailangan lang natin ng pamahalaang walang korapsyon.
No comments:
Post a Comment