Simple lang kung bakit hindi nananalo si Trillanes sa mga eleksyon.
Una, wala s’yang perang pambili ng boto. At kung meron man, hindi siya namimili ng boto—dahil “no to vote buying” ang prinsipyo niya. Iboboto niyo siya dahil naniniwala kayo sa kanyang talino, kakayahan, katapatan, at katapangan— at hindi dahil binayaran kayo kapalit ng inyong boto.
Pangalawa, wala siyang malakas na makinarya. Hindi siya produkto ng political dynasty. Wala siyang hawak na mga mayor, barangay chairman, o naglalakihang kumpanya na susuporta at “gagapang” ng boto para sa kanya. Uulitin ko: iboboto niyo si Trillanes dahil naniniwala kayo sa kanyang talino, kakayahan, katapatan, at katapangan—hindi dahil backed-up siya ng makinarya ng mga political dynasties.
Pangatlo, wala raw karisma si Trillanes tulad nina Lito Lapid, Tulfo brothers, Bong Revilla, Robin Padilla, at iba pang pa-bibong personalidad. Iyong “karismang” magki-click daw sa mga boBotante para ipanalo ang isang kandidato. Di ba ang babaw? Uulitin natin: iboboto niyo si Trillanes dahil naniniwala kayo sa talino, kakayahan, katapatan, at katapangan niya—hindi dahil sa mga peke at pakitang-taong “karisma-karisma” na yarn!
At ang kahuli-hulihan, tila ayaw ng malalakas na partido na isama si Trillanes sa tiket nila dahil “masyadong straight” siya. Malamang ay maging problema lang siya ng partidong may kasamang mga kilalang korap at kawatan, dahil si Trillanes mismo ang potensyal na babangga at magtutuwid sa kanila.
PERO PANSININ N'YO: Kahit walang posisyon sa gobyerno, kahit walang kapangyarihan, kundi isang ordinaryong mamamayan na lamang (tulad natin)—sino ang nag-iisang nakikipaglaban sa katiwalian at sa mga tiwali? Sa korapsyon at sa mga korap? Sa mga mapagsamantala at taksil sa Bayan? Si Trillanes lamang. Wala ni isa man sa mga Senador, Kongresista, o mga Local Chief Executives ngayon ang nakikitaan ko ng kanyang pinagsama-samang pagka-masigasig, pagka-matiyaga, at pagka-MATAPANG.
Si Trillanes lamang ang mayroong pambihirang kombinasyon ng TALINO, KAKAYAHAN, KATAPATAN, at higit sa lahat, KATAPANGAN—may tunay na pagmamalasakit sa mga Pilipino at legit na pagmamahal sa Bayan. (Pasintabi sa mga panatikong nagbubulag-bulagan, hindi nyo ito makikita, kung hindi bubuksan ang mga mata't isipan sa katotohanan.)
Sa panahong ito at sa kasalukuyang estado ng ating lipunan, higit sa lahat ay isang "MATAPANG" na pinuno ang kailangan natin. Pero matapang na tapat, matapang na matalino, matapang na may kakayahan, matapang na may paninindigan, at matapang na may kredibilidad at dignidad—hindi 'yung mga nagtatapang-tapangan tapos bahag naman pala ang buntot.
Ngayong ordinaryong mamamayan pa lamang si Trillanes tulad natin, he can only handle a handful of corruption cases and crimes. Masyadong limitado ang kanyang resources at kapangyarihan para linisin ang buong bansa, at kasuhan ang lahat ng korap - wala sya sa posisyon at kapangyarihan. Pero napipiho ko, oras na siya ay maluklok bilang Pinakamataas na Pinuno ng ating bansa sa 2028 —TITINO ANG MGA PILIPINO, AAYOS ANG PILIPINAS, AT MAGIGING MAGANDA AT MASAGANA ANG BUHAY NATING LAHAT.
Ito po ay "kurukuro" ng inyong GuruKiko. Pag-isipan niyo rin. Sa tingin ko ay may pag-asa pa ang Pilipinas at ang mga Pilipino—at nakikita ko ang pag-asang ito kay TRILLANES. Sa aking palagay, si Trillanes ang ating huling baraha (kung hindi nyo lang paiiralin ang pagka-panatiko sa political dynasty, at pagiging makasarili). So help us God.
No comments:
Post a Comment