Tuesday, June 30, 2026

I think.

Napaisip ako dun na ‘hayaan mong pahirapan ng buhay ang kamag-anak at kaibigan mo.’ For me, hindi ganun yung tunay na meaning ng pagiging pamilya at kaibigan. Kasi when you truly love someone, hindi mo na binibilang kung ilang beses ka tumulong o kung gaano kabigat yung naitulong mo.

As long as kaya mo, you help—not because obligado ka, but because mahal mo sila. Hindi naman lahat ng tulong kailangang sukatan or may kapalit. Minsan, presence mo lang, pakikinig, or simpleng pagdamay, malaking bagay na.

I believe na kung gaano tayo pinagpapala ni Lord, ganun din tayo dapat maging blessing sa iba. Hindi para maubos ka, pero para maiparamdam mo na hindi sila nag-iisa. Kasi at the end of the day, love is not about keeping score—it’s about being there when they need you the most.

No comments: