Saturday, June 06, 2026

Hingi pondo.

MULING HUMIHINGI ANG PHILHEALTH NG PONDO SA GOBYERNO; 🤔

Dahil ang P70 Billion subsidy na ibinigay ng gobyerno para sa mga indirect contributors nito; 🤔

Ay naubos na po ng Philhealth sa unang limang buwan palang ng taong ito. 🤔

Para po sa kaalaman ninyo, dahil po sa ating Universal Healthcare Law; 🤔

Binabayaran na po ngayon ng gobyerno ang Philhealth contributions ang mga tinatawag na indirect contributors na mga Pilipino. 🤔

Sila po ang mga senior citizens at PWDs na walang trabaho, mga indigents o mga mahihirap na pasado sa antas ng DSWD mismo; 🤔

At mga Pilipinong miyembro ng 4Ps at iba pang ganitong klaseng programa ng gobyerno. 🤔

At sa ngayon po ay nasa 53.2 Million na, o halos kalahati na ng mga Pilipino, ang itinuturing na indirect contributors ng Philhealth mismo. 🤔

Ganyan na po kabigat ang programang pangkalusugan ng bansang ito. 🤔

Kaya nga sana po ay naiintindihan na ninyo, kung bakit tinutuligsa ko ang mga magnanakaw na pulitiko; 🤔

At ang pagkuha dati ng pondo ng Philhealth para lang manakaw rin ito. 🤔

Kaya nga pati ang mga kasamahan nitong pilit paring pinagtatakpan ang mga pagnanakaw na ito; 🤔

Ay hindi ko rin pinalalampas sa pagtutuligsa ko. 🤔

Dahil para po saakin, ay parang magnanakaw narin kayo. 🤔

Dahil ginagawa niyo parin ito, kahit alam niyo na kung gaano na kahirap ang bansang ito. 🫡

#attyg 
#attygbehindthenews 
#philhealth
#indirectcontributors 
#photocredittotheowner



No comments: