Friday, June 26, 2026

Sana makatulong.

Tips para makamura ka sa renewal ng mc registration: Sayang din ang 1K 😅
#LTOregistration 
#LTOCalamba

Step by step:

1. Magpaphotocopy ng OR & CR
2. Icheck ang motor mo kung gumagana lahat ng ilaw, and breaks at busina.
3. Kung bagong release lang ang plate mo from temporary plate, ipaupdate muna ito sa LTO (Free lang yan).
4. Sa Cebuana Lhuillier ka kumuha ng insurance (CTPL). Mas mura compared sa ibang providers. 451 pesos lang
4. Punta ka na sa emmission testing center 
500 pesos lang ang bayad
5. Dumiretso na sa LTO , sa inspection area. Doon iccheck kung gumagana ang mga ilaw ng motor mo; headlight, break lights, high and low beam lights , at busina

6. Pag ok na, kukunin lang nila ang papel mo (xerox ng or/cr, insurance and emmission clearance). Maghintay ka lang na tawagin ang name mo. Pwede kang mag follow up pag 1 hr na wala pa, baka natabunan or may inaayos. Tulad sa akin, nag insert plate daw. Huwag mahiyang magtanong. 

7. Papupuntahin ka sa window G for payment and releasing ng new OR mo. Bayad:379 pesos

Total kong gastos: 1,330 plus parking fee -php20×2 ( di pede reuse ang ticket, kada park bente) at papalit ng break light bulb (php80)

Mabilis lang naman lalo pag alangang araw , tulad sa akin, Thursday, konti lang ang tao. 

Pero may mas mabilis daw po thru online registration di ko pa lang nagawa 😁
Depende na po yan sa preference nyo kung alin ang mas mainam sa sitwasyon nyo. Para po ito sa gustong makatipid at may time magprocess.

Sana makatulong 🙂



No comments: