πNang dalhin ako ng aking porter papunta sa Operating Room, dala ko ang isang bagay na higit pa sa kahit anong gamit—sandamakmak na dasal. π
Habang papalapit ako sa OR, pilit kong pinapalakas ang loob ko. Pero nang bumukas ang pinto at tuluyan na akong pumasok, ibang kaba ang naramdaman ko.
Inihiga ako sa isang warm table. Pagtingin ko sa paligid, napakaraming medical team ang naroon. Tatlong surgeons, ilang IM, cardiologists, anesthesiologists, nurses at attendants. Lahat naka-green gown, naka-mask, at abala sa kani-kanilang ginagawa.
At ako?
Nakahiga sa gitna.
Sa ilalim ng napakaliwanag na ilaw, surrounded by people whose faces I barely knew, pero ang buhay ko ay literal na ipinagkatiwala ko sa kanilang mga kamay.
Hindi ko alam kung ganoon ba talaga karami ang kailangan para sa isang operasyon, o kung sadyang ganoon talaga kaingat ang The Medical City sa pag-aalaga ng kanilang pasyente.
Pero sa totoo lang…
Nakakatakot.
Lalo na dahil bago ako dalhin sa OR, isang tanong ang paulit-ulit na umiikot sa isip ko:
"Paano kung hindi na ako magising?"
Maya-maya, naramdaman ko ang pag-infuse ng gamot sa aking ugat.
Nilagyan ako ng parang mask.
"Inhale… exhale…"
Dalawang beses lang yata.
At pagkatapos noon…
Wala na akong maalala.
Hindi ko namalayan ang oras. Hindi ko namalayan ang bawat segundo ng operasyon. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko.
Hanggang sa may isang boses na gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog.
"Ma'am, gising na po. Tapos na po,
Ma'am. Okay na po. Dadalhin na po kayo sa Recovery Room." π
Boses iyon ng aking surgeon.
Kahit hindi pa ako fully conscious, dinig na dinig ko ang mga salitang iyon.
TAPOS NA.
OKAY NA.
GISING NA AKO.
7:30 AM nang magsimula ang operasyon.
At nang magising ako, bandang 1:00 PM na pala.
Pagdating ko sa Recovery Room, unti-unti kong naririnig ang paligid. Maya-maya, narinig kong sinabi ng nurse:
"3 PM na po."
Grabe…
Buhay pa ako.
At ang unang naramdaman ko?
Uhaw na uhaw ako.
Humingi ako ng malamig na tubig. Maya-maya, nagsuka rin ako, marahil dahil sa naramdaman kong acid reflux matapos ang magdamag at maghapong walang laman ang tiyan.
Bandang 4:00 PM, naakyat na ako sa room ko sa 10th floor.
Pero kahit naroon na ako, hindi pa rin ako tuluyang nagkamalay.
Hanggang sa bandang 2:00 AM, bigla akong nagising nang tuluyan.
At alam ninyo kung ano ang unang pumasok sa isip ko?
GUTOM. π
GutΓ³m na gutΓ³m ako!
Kaya agad akong humingi ng pagkain sa anak ko.
At doon ko na-realize…
Nandito pa rin ako.
Humihinga.
Buhay.
Gising.
At higit sa lahat…
Nalagpasan ko na naman ang isang laban.
Ang operasyon na ilang araw kong kinatakutan.
Ang sandaling inisip kong baka iyon na ang huling tulog ko.
Ang tanong na paulit-ulit kong binalikan—
"Magigising pa kaya ako?"
At ang sagot ng Diyos ay OO. π
OO, nagising ako.
At ngayon, habang sinusulat ko ito, umaagos ang mga luha ko , luha ng kagalakan, at masasabi kong:
I DID IT.
I MADE IT.
I SURVIVED ANOTHER BATTLE. π
Akala ko noon, ang mastectomy ang magiging pinakamahirap na parte ng journey ko.
Pero alam ba ninyo?
Hindi pala ganoon kasakit ang kinatatakutan kong surgery π
Kinaya ko!!!!!!
At masasabi kong mas mahirap pa rin para sa akin ang bagsik at side effects ng chemotherapy—ang panghihina, pananakit ng buong katawan, pagkawala ng buhok ko, pagbabago ng katawan ko at itsura, pagkasira at pagkabulok ng kuko, pagkawala ng gana, at pagkawala ng panlasa, pagtatae, panghihina ng puso at lahat ng araw na kailangan mong ngumiti kahit ang katawan mo ay pagod na pagod na.
Pero heto ako.
Nakalagpas.
At sa pangalawang laban , muli ,,,,nakalagpas ako π₯²☺
πKaya sa lahat ng aking mga kapwa warriors na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed, naghihintay ng operasyon, chemotherapy, radiation, biopsy o anumang panibagong hamon—
Kung natatakot ka ngayon, okay lang.
Kung naiiyak ka ngayon, okay lang.
Kung nanginginig ang puso mo dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari bukas, okay lang. Palaging okay lang ka-warriors☺
πHindi ibig sabihin na natatakot ka ay mahina ka na.
Minsan, ang tunay na tapang ay iyong takot na takot ka pero lumalaban ka pa rin.
Humawak ka sa kamay ng Diyos.
Magdasal ka. π
Magtiwala ka sa iyong medical team.π
At higit sa lahat, huwag mong susukuan ang sarili mo. π
Dahil darating ang araw na lilingon ka sa lahat ng pinagdaanan mo at masasabi mong:
“Akala ko hindi ko kakayanin… pero kinaya ko pala.”
πAnother cancer battle unlocked. π
Another battle survived. πͺ
Another day gifted by God. π
π»Habang may hininga, may dahilan para lumaban.
I am still here.
I am still standing.
I am still fighting.
And I am still choosing LIFE. ππ️
SALAMAT, LORD ππ
TAPOS NA ANG ISA NA NAMANG LABAN. π
HINDI PA TAPOS, MALAYO PA, NGUNIT MASASABI KONG MALAYO NA ANG AKING NARATING. ❤ππ
HINDI PA TAPOS ANG KWENTO SA LIBRO KO, MAY MGA PAHINA PA AKONG ISUSULAT ✨
TO GOD ALL THE GLORY ππ
- Ginang Maestra-
#CancerWarrior #BreastCancerWarrior #MastectomyJourney #AnotherBattleUnlocked #IAmStillHere #ChooseLife #GodIsGood #CancerJourney #WarriorStrong #radicalmodifiedmastectomy
#GurongCancerWarrior
#Godisgood #FaithOverFear #NeverGiveUp
#MotivationalCreator
#everyone #highligths #followers
No comments:
Post a Comment