Saturday, August 22, 2026

Dapat Yung tambay bigyan ng trabaho.

“Yung nagnenegosyo, buwisan.
Yung nagtatrabaho, buwisan.
Yung tambay, bigyan ng tulong.”

Nabasa ko ito sa comment section

At napaisip ako after 
ko makabasa yan

Kaya minsan, hindi nakakapagtakang 
may mga taong nagtatanong:

“May incentive pa bang magsipag 
kung pareho lang ang mararamdaman 
mo sa sistema?”

Nagnenegosyo ka?

May tax.

Nagtatrabaho ka?

May kinakaltas sa sweldo.

Nagpapalago ka ng negosyo?

May compliance at iba pang obligasyon.

Samantalang kapag 
may social assistance,

may mga programang para 
naman talaga sa mga kwalipikadong 
nangangailangan.

At dito kailangang 
maging patas.

Hindi masama ang 
tumulong sa mahihirap.

May mga pamilyang 
walang sapat na pagkain.

May mga nawalan ng trabaho.

May mga tinamaan ng sakuna.

May mga taong talagang 
nangangailangan ng suporta.

Pero ang problema ay kapag 
ang sistema ay nagmumukhang 
parang pinarurusahan ang nagsisikap 
at ginagantimpalaan ang kawalan ng effort.

Hindi dapat ganoon.

Ang social assistance ay 
dapat safety net, 

hindi permanenteng kapalit 
ng trabaho at kabuhayan.

At ang taong nagtatrabaho 
at nagbabayad ng buwis 
ay dapat ding nakakaramdam ng balik:

maayos na serbisyo,
oportunidad, healthcare, 
edukasyon, at proteksyon.

Kasi ang magandang sistema 
ay hindi nagtutulak sa tao na mamili kung:

“Magsisikap ba ako o aasa na lang?”

Dapat pareho ang 
mensahe ng gobyerno:

Tulungan ang nangangailangan.
Suportahan ang nagsisikap.

At gumawa ng sistemang 
nagbibigay ng pagkakataong 
makaahon.

P.S. For tax and bookkeeping updates
Join EC TAXPH Business Community 
Sa loob pwede ka makaaccess sa trainings, tools and bookkeeping system.
Pagpasok mo sa group, click mo yung FEATURED POST.
Andun yung complete instructions kung paano ka makakaaccess.



No comments: