Tuesday, August 18, 2026

SDO

Ang bigat ng liquidation documents under a confidential fund audit lies on the integrity of the certification by the Special Disbursing officer as attested by the Head of the Agency.

Sino nga ba ang SDO, ano ang kanyang role:

See below:

Mainam na linawin ang ginawa ni Gina Acosta ay hindi pagdisburse kung hindi pag-transfer ng buong cash advance, na mahigpit na ipinagbabawal ng JC 2015-001.

Bilang isang SDO, sya mismo ang dapat magbayad sa mga payees/ beneficiaries at humingi na kaukulang patunay ng naganap/ natanggap ang pera.

Siya rin ang dapat mag-record sa kanyang Cash Disbursement Journal.

Kaya nga sya ang pumipirma sa Certification na mahalagang supporting document sa liquidation ng SDO.

Sa paglagda nya sa Certification ay pinapatunayan nyang, ginastos nya ang nasabing pondo sa confidential activities.

Paano nya ito masasabi kung buo nyang inilipat ang Cash Advance sa iba?

Paano kaya yung bond na sa kanya nakapangalan? 

Magkano kaya ang maximum amount ng bond. Pasok kaya ang buong halaga ng checks na naencash nya.

Ano ba ang hinahanap sa isang SDO ng confidential funds?

Hindi po yung kaalaman nya sa National Security kung hindi, ang mga sumusunod:

Ano ang sinasabi ng JC pag-dating sa mga tama at hindi tamang pag-gamitan?
Ano ang tamang pag-iingat ng confidential funds?
Anu-ano ang mga record at report, supporting documents, evidence of payment na kailangan upang malinaw na nagamit sa tama ang pondong ipinagkatiwala?
Anu-ano ang basehan ng pagbabayad?

Malinaw at matagumpay ang prosecution sa pagpapalabas ng mahalagang katotohanan…

Base daw sa utos sa taas.

Iyon ang malinaw!



No comments: