Pag may baradong estero at creek, gobyerno ang sinisisi.
Pero kapag nagtatapon ng basura sa kanal, ilog, at creek, parang walang pakialam.
Ang totoo, kahit maghapon maglinis ang gobyerno, kahit milyon-milyong piso pa ang gastusin sa dredging, declogging, at clearing operations, walang mangyayari kung ang mismong tao ay walang disiplina.
Hindi ulan ang pinakamalaking kalaban natin.
Hindi bagyo.
Kundi ang mga taong alam nang bawal, ginagawa pa rin.
Yung plastik na itinapon mo sa kalsada, sa kanal mapupunta.
Yung basura na inihagis mo sa creek, babalik sa iyo sa anyo ng baha.
Tapos kapag lubog na ang bahay at hindi makadaan ang sasakyan, magpo-post sa social media at maghahanap ng masisisi.
Ang baha ay hindi lang sakuna ng kalikasan.
Madalas, bunga rin ito ng kapabayaan at katigasan ng ulo ng tao.
Hangga’t may mga taong walang pakialam sa tamang pagtatapon ng basura, paulit-ulit tayong lulubog sa baha.
Bago sisihin ang gobyerno, tingnan muna ang sariling konsensya.
Dahil walang gobyernong sapat na magaling para solusyunan ang problemang patuloy namang ginagawa ng mga pasaway na mamamayan.
#DisiplinaHindiDahilan
#BasuraMoBabalikSayo
#BahaAyGawangTao
#ResponsibilidadNgLahat
No comments:
Post a Comment