Nabasa ko ito online
Masakit pakinggan.
Pero ito ang frustration
ng maraming maliit na
negosyante.
Maliit pa ang kita.
Limitado ang puhunan.
Wala pang accountant.
Wala pang bookkeeper.
Pero ang dami nang
kailangang intindihin.
Registration.
Books.
Invoices.
Filing.
Deadlines.
Record-keeping.
At kapag may nakaligtaan
o nagkamali,
may penalty.
Kaya imbes na ang kita
ay gamitin para bumili ng inventory,
mag-hire ng tao,
o palaguin ang negosyo,
napupunta ang oras
at pera sa compliance.
Hindi naman ibig sabihin
na dapat tanggalin ang BIR o buwis.
Kailangan pa rin ng
gobyerno ng revenue.
At kailangan din ng
tax system ng accountability.
Pero dapat tanungin:
“Designed ba ang
compliance system para
sa kapasidad ng isang
micro business?”
Kasi hindi pareho
ang resources ng isang
multinational company
at ng tindahang halos
mag-isa lang ang may-ari.
Kung gusto nating
dumami ang legal at
compliant na negosyo,
dapat mas simple
ang proseso para sa maliliit.
Mas malinaw na
requirements.
Mas madaling
record-keeping.
Mas abot-kayang
compliance.
At mas proportional
na penalties.
Hindi dapat ang pagiging
maliit ang maging dahilan
para mas mahirapan silang
sumunod.
The goal of tax administration
should be to bring more
businesses into compliance
not push small businesses
out of business.
Kasi ang micro business
na nakaligtas at lumago ngayon,
maaaring maging employer,
taxpayer, at contributor
sa ekonomiya bukas.
P.S. For tax and bookkeeping updates
Join EC TAXPH Business Community
Sa loob pwede ka makaaccess sa trainings, tools and bookkeeping system.
Pagpasok mo sa group, click mo yung FEATURED POST.
Andun yung complete instructions kung paano ka makakaaccess.

No comments:
Post a Comment