Hindi mo maiwasang mapaisip kung gaano kahirap ang sitwasyon ng ibang pamilya na kailangan pang mamili kung saan kukuha ng pera para mailigtas ang mahal nila sa buhay.
Habang binabasa ko ito, mas lalo kong narealize kung gaano kami kaswerte dito sa Australia dahil kapag nagkasakit ka at kailangan ng ospital, hindi mo kailangang isipin agad kung saan ka kukuha ng milyon-milyong pambayad.
Oo, mataas ang tax namin dito, pero kapag dumating ang panahon na kailangan namin ng tulong medikal, ramdam namin kung saan napupunta ang binabayad natin.
Kung nasa Pilipinas ako at wala akong sapat na ipon o insurance, baka pareho rin akong mangamba kung paano babayaran ang hospital bills habang nilalabanan ang buhay ng mahal ko sa buhay.
Kaya habang malakas at may pagkakataon, maging thankful tayo at alagaan ang ating kalusugan. Hindi natin alam kung kailan natin kakailanganin ang ganitong suporta. 🙏
Sana dumating ang panahon na wala nang Pilipino ang makakaranas nito, yung mamili ka sa pagitan ng pera at buhay. ❤️
#AustraliaLife #Healthcare #LifeInAustralia #PinoyAbroad #BeThankful

No comments:
Post a Comment