Kinsenas-katapusan,
may kinakaltas sa sweldo.
Nagnenegosyo ka,
may tax at fees.
Bumibili ka ng pang-araw-araw,
may buwis pa rin sa
maraming produkto at serbisyo.
Kaya natural lang na
umasa ang isang Pilipino na:
“Sana naman, ramdam ko
rin kung saan napupunta ang binabayad ko.”
Pero pagdating sa education,
marami pa ring problema sa
classrooms, learning resources, at access.
Sa healthcare,
maraming pamilya ang
natatakot sa hospital bills.
Sa public transportation,
oras, siksikan, at mahabang pila
pa rin ang kalaban ng commuters.
Hindi naman ibig sabihin na
walang ginagawang tama ang gobyerno.
May mga proyekto at
serbisyong nakakatulong.
Pero kung patuloy tayong nagbabayad,
dapat patuloy ding gumaganda
ang serbisyong natatanggap natin.
Kasi hindi naman libre ang buwis.
Pinaghihirapan natin.
Oras.
Pagod.
Sweldo.
Kita ng negosyo.
Kaya bilang taxpayer,
valid lang na itanong:
“Saan napupunta ang pera ko,
at bakit hindi ko ramdam ang
halaga nito sa araw-araw kong buhay?”
Hindi sapat na mahusay lang ang
gobyerno sa pagdating sa collection.
Dapat mahusay din
itong maghatid ng serbisyo.
Kasi ang tunay na sukatan
ng tax system ay hindi lang
kung magkano ang nakokolekta.
Makikita rin ito sa kalidad ng
buhay ng mga taong nagbabayad.
P.S. For tax and bookkeeping updates
Join EC TAXPH Business Community
Sa loob pwede ka makaaccess sa trainings, tools and bookkeeping system.
Pagpasok mo sa group, click mo yung FEATURED POST.
Andun yung complete instructions kung paano ka makakaaccess.
#ECTAXPH #Tax #Pilipinas #Sistema

No comments:
Post a Comment