Shout out kay Kuys JoyRide driver kahapon, maraming salamat sa safe ride! Sa halos 5 km na biyahe at pagsuong sa baha - pinagsuot mo 'ko ng kapote, pero may nakalimutan ka atang ipasuot... HELMET! 😅
Matindi ang karanasan nating lahat kahapon. Walang galawan ang mga sasakyan sa Marcos Highway at Felix Avenue. Stranded ang mga kapwa natin commuter, at karamihan naglalakad na lang sa gitna ng baha. No choice ako kundi mag-motor para lang makauwi.
Tunay na buwis-buhay! Sinagupa namin ang malakas na buhos ng ulan, hampas ng hangin sa mukha, at ang mataas na baha sa Felix Avenue, Karangalan, at F. Legaspi. Kahit basang-basa ang pantalon at balat kong sapatos, nakahinga rin ako nang maluwag nang makarating sa bahay sa Pasig. Buti na lang balot sa plastik-labo ang celpon at wallet ko!
Nagbayad ako ng ₱100 sa fare at nagbigay ng ₱150 na tip kasi sobrang pasasalamat ko na nakauwi ako nang buhay at ligtas. Kaso papasok na ako ng gate nang biglang nagtanong si Kuya:
"Sir, 'yung helmet po?"
Tinitigan ko muna siya. Nautal siya nang marealize niya: "Wala kayong helmet, Sir?!"
Sagot ko: "Wala! Kanina ko pa itinatanong sa'yo nung sumasakay ako kung bakit wala akong helmet, 'di mo 'ko pinapansin!"
Driver: "Sorry po, Sir... Naiwan ko pala don sa mesa sa pick-up point." ðŸ˜
Lessons Learned:
Kapote over Helmet. Sa gitna ng bagyo at baha, mas takot si Kuya na magka-sipon ka kaysa sa mabasag ang ulo mo. Priorities!
Mas Mahal pa ang Tip sa Pamasahe. Paglagpas mo sa baha nang buhay, 'di mo na maiisip ang ₱100 fare - ₱150 na tip agad ibibigay mo bilang pasasalamat sa pangalawang buhay!
Plastik-Labo Is Life. Kahit basang-basa ang sapatos at sira ang araw mo sa baha, basta naka-plastik labo ang phone at wallet - panalo ka pa rin sa buhay!
Dasal ang Tunay na Armor. Kung wala kang helmet, ang tanging proteksyon mo na lang sa kalsada ay malalim na pananampalataya at matinding kapit sa belt ng rider.
Tahimik si Kuya = Kumapit Ka Na Lang. Kapag hindi sumagot ang rider nung itinatanong mo 'yung helmet bago bumiyahe, ibig sabihin lang nun: "Boss, 'wag ka na magtanong, pareho lang tayong gustong makauwi." 😅
#MarcosHighway #CaintaBaha #MoveItPH #JoyRidePH #AngkasPH #PasigCity #FloodSurvival #MotorcycleTaxiStories

No comments:
Post a Comment