BAKIT PARAMI PO NG PARAMI ANG NGKAKAROON NG COVID-19? Bakit pamipamilya na ang ngppositibo sa sakit na ito?
Dahil madaming in denial p din po. Madaming ayaw malaman kung may covid sya o wala. BAKIT? Marahil ang ilang dahilan ay ang stigma n dulot ng mga taong ngppositibo sa covid19. Pinandidirihan, pingchichismisan, dadalhin sa isolation facilities. Wag po nating isipin ang sasabihin ng ibang tao. ISIPIN PO NATIN ANG KAPAKANAN NG PAMILYA NATIN.
Common scenario sa clinic
Doc: Tay kailangan nyo pong mgpswab test. Para malaman po natin agad kung covid o hindi.
Taytay 1: Doc hindi cguro covid to, naambunan lng ako nung isang araw.
Tatay 2: Doc hindi nman cguro, lagi lng kase akong puyat at pagod kaya ako ngksakit.
Tatay 3: Doc hindi cguro covid, dahil hindi nman ako lumalabas ng bahay.
Tatay 4: Doc uso nman po tlga ang trangkaso ngayon.
Tatay 5: Doc ayokong pumunta sa ospital dahil sasabihin nila may covid ako.
Tatay 6: Doc ayokong mgpswab test ng may ubo, sigurado sasabihin nila may covid ako.
Nakakalungkot, pero karamihan ay ganyan po ang iniisip. Patuloy na dumadami ang ngkkaroon ng covid, at dumadami ang kapamilyang nahahawa dahil karamihan ay ayaw mgptest agad o ayaw agad mgpcheck up, takot n malaman kung may covid o wala. Hangga't nahawa na ang ibng kapamilya. Ang msnakakatakot ay mahawa ang mga kapamilya ntin na mahina ang resistensya tulad ng mga bata at mga senior citizen.
Ano pong dapat natin gawin upang maiwasan na mgkahawahan ang mga miyembro ng pamilya:
1. Umpisa pa lng po ng sintomas ay mgpcheck up npo agad.
2. Mag self isolate napo agad kung may nararamdaman. Wag napong makihalubilo sa kapamilya kung may nararamdaman ka na o kung alam mong naexpose ka sa taong positibo sa covid19.
3. Kung may budget ka, mgptest na agad sa laboratory ng rapid antigen or RT PCR (swab test) at kung mgpositibo ay ireport po agad sa RHU upang mabigyan k ng payo kung anong dapat gawin. Kung kulang po sa budget mkipgcoordinate po sa RHU para mswab ka kung kinakailangan na.
4.Wag mgsabaysabay sa pgkain ang mga miyembro ng pamilya. Ngayon lng nman ito habang may pandemya. Para pagkatapos ng pandemya ay buo pa din ang pamilya na mgsasalo salo sa hapag kainan.
5. Isuot ng maayos ang face mask at face shield. PARA SA PROTEKSYON MO YAN. Hindi yung mgsusuot k lng, dahil ayaw mong mahuli ng pulis, o dahil hindi k pppasukin sa establisimento na pupuntahan mo.
6. Kung ikaw ang miyembro ng pamilya na malimit lumabas ng bahay dahil ngtatrabaho o ang gumagawa ng mga errands, magsuot ka p din ng face mask kahit nasa loob ka na ng bahay.
7. STAY HOME. Kung hindi importante ang pupuntahan huwag napong lumabas ng bahay.
8. Ugaliing maghugas lagi ng kamay lalo na pgkatapos mong humawak ng mga bagay na galing sa labas tulad ng pera, resibo, pinamili, tumaggap ng delivery, etc.
9. Wag ipasok sa loob ng bahay ang sapatos o tsinelas na sinuot mo sa labas ng bahay.
10. MALIGO ka kaagad kung galing ka sa labas ng bahay bago ka lumapit sa mga kapamilya mo.
11. Uminom ng ascorbic acid with zinc at iba png bitamina kasabay ng pagkain ng masustansya, pg-eehersisyo at pgpaaraw tuwing umaga. Iwasan po ang mga bisyo tulad ng sigarilyo at alak.
12. Gumamit lagi ng alcohol kung ikaw ay nasa labas at hindi agad makapghugas ng kamay.
13. MAGPABAKUNA. Takot kang mgpabakuna dahil sa iniisip mong posibleng side effect ng vaccine sa katawan mo, pero isipin mo din ang panganib na dulot ng covid19 na napakarami ng namatay. Na sayo kung anong risk ang i take mo.
14. Mgbayanihan. Magtulong tulong po tayo. Tigilan napo ang reklamo.
15. Magpasalamat sa mga health care workers na tumutulong at ng-aasikaso sa inyo. Na patuloy na nirisk ang buhay sa panganib na dulot ng covid19. Sa ganitong paraan lumalakas ang loob nila.
16. Higit po sa lahat patuloy po tayong MAGDASAL sa Panginoon para sa proteksyon natin at ng ating mga kapamilya. At nawa'y matapos na ang pandemya na ito.
Mag-ingat po tayong lahat. God bless!🙏
PARA SA PAMILYA ❤️
THIS TOO SHALL PASS 👊
No comments:
Post a Comment