Sunday, August 22, 2021

R. Papa

 Lagi nalang natatandaan basta umulan ng malakas sa Maynila laging bumabaha sa R. Papa. Pero sino nga ba itong si R. Papa? 🤔


Si R.Papa ay si Heneral Ricardo Papa Sr., na iginagalang na sundalo at naging hepe ng Manila police noong 1960's.


Kinilala ang husay niya sa paghabol sa mga smuggler at paghuli sa mga pusakal na kriminal tulad ni Leonardo Manecio, na mas kilala bilang si Nardong Putik.


Naging commanding general din siya ng Philippine Army at Deputy chief ng Philippines Constabulary.


Ipinangalan din sa kaniya ang Camp Ricardo Papa sa Bicutan, Taguig, kung saan dating alkalde ang kaniyang anak na si Papa Jr. Pinangalan din sa kanya ang isang kalye at LRT station sa Maynila.


Ang Ricardo Papa Street, kilala rin bilang R. Papa Street, ay isang maikling kalye sa Tondo, Manila, Philippines na matatagpuan sa Barrio Obrero malapit sa hilagang hangganan ng lungsod na may Caloocan.


Ang Estasyong R. Papa ng LRT ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong R. Papa. Nagsisilbi ang estasyon sa distrito ng Tondo at matatagpuan ito sa Karugtong ng Abenida Rizal sa Barangay Obrero, Tondo. Ito ang unang estasyon sa Karugtong ng Abenida Rizal pahilaga at ang huling estasyon sa lungsod ng Maynila bago makapasok ng Caloocan.


Nagsisilbi bilang pang-anim na estasyon ang estasyong R. Papa para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pang-labing-anim na estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt.


Malapit ang estasyon sa Sementeryong Tsino ng Maynila katulad ng estasyong Abad Santos ng LRT. Malapit din ito sa St. Pancratius Chapel at lumang Simbahan ng La Loma sa Sementeryong Katoliko ng La Loma, Mababang Paaralan ng Barrio Obrero at Mababang Paaralan ng Marulas sa kalapit na Maypajo, Caloocan.

No comments: