Ang dami ng istorya ng mahirap na guminhawa ang buhay sa mabuting paraan. Di naman sikreto ginawa nila. Nagsumikap, nag pursige, nagtiis, nagdasal at nagsipag. Gagayahin mo na lang, pati pag gaya kinatamaran mo pa?
Kung tinggin mo matalino ka kaso di ka makapagaral dahil sa kahirapan? - daming scholarship program dyan!
Kung may trabaho ka naman kaso maliit ang sahod dahil hindi ka naman degree holder? - mag working student ka!
Kung graduate ka naman at wala ka paring mahanap na trabaho?- tiis muna sa mababang sahod! Tandaan "years of experience" ang mas hinahanap at dyan ka lalamang!
Kung gusto mo naman magnegosyo pero iniisip agad kapital?- Idea muna kailangan mo kasi madaming negosyo nagsimula sa 500 pesos pero kumikita na ngayon ng daandaang libo.
At yung kapital naloloan kung feasible talaga idea mo.
Kung gusto mo naman mabilisang pagyaman? - magasawa ka ng mayaman! yan lang ang legal! The rest sigurado ko 100%scam!
Sabi ng nanay ko nung bata ako "ang mabuhay sa patalim sa patalim din mamamatay"
Eh ang "mabuhay kaya sa hingi?..."
Hahahaha! Matatawa ka marami daw satin naghihirap dahil sa gobyerno... pero yung mahihirap wala naman tax papano nangyari na mas sila yung apektado?
Ang hirap kasi sa atin mahirap na nga tayo...tayo pa yung madami ang anak, tayo pa tong may bisyo!
Hindi ako galit. Pero hindi rin ako santo. Kahit sino pa maging presidente sa susunod at di ka magbabago walang mababago sa buhay mo.
Ctto Bonnie Jacinto
No comments:
Post a Comment