Saturday, August 28, 2021

Buto ng papaya.

 BUTO NG PAPAYA PARA SA IBAT-IBANG KARAMDAMAN.


Sa sdusunod na maghiwa ng papaya huwag itapon ang mga buto maari mo itong patuyuin at ilagay sa isang container tulad ng paminta.


Baka ito na ang makatulong sa karamdaman mo,

Ang buto ng papaya ay mayaman sa fiber, calcium, phosphorus, iron, papain, thiamine, niacin at vitamins na nakapag­papalakas ng bituka at immune system.


GAMOT SA LIVER LIVER DISEAS TULAD LIVER CIRRHOSIS,

Ang buto ay maaring gamiting gamot sa liver cirrhosis o pagkasira ng atay.


PANGLINIS SA KIDNEY,

Maaring maiwasan ang sakit sa bato sa pamamagitan ng buto ng papaya. Ang carpain na taglay nito ay nakapagpapagaling ng damage sa bato at tumutulong upang mailabas ang mga dumi sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.


PANGPATIBAY SA ATING BUTO,

Ito ay mayaman sa anti- inflamatory agents na mabisang gamot sa arthritis at  join pain, Pinapalakas din nito ang ating buto at mga muscles dahil sa calcium na taglay nito.


PINAPABABA ANG BLOOD PRESSURE AT CHOLESTEROL LEVEL,

Nagtataglay din ng fiber ang buto ng papaya. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkunsumo ng fiber ay tumutulong upang pababain ang blood pressure at cholesterol levels sa katawan.

Sa pamamagitan ng fiber sa katawan, nababawasan din nito ang tyansa na magkaroon ng heart disease, stroke, diabetes at obesity.


MAKAKATULONG DIN ITO SA TAONG MAY DIABETES,

Ang buto nito ay mayaman sa monounsaturated fatty acids at oleic acid.

Ayon sa pag-aaral sa mga taong may type 2 diabetes, ang pagkonsumo ng monounsaturated fatty acids ay nagbabawas ng 19 percent ng triglyceride levels at very low-density lipoprotein (VLDL) cholesterol level ng 22 percent.


MAYAMAN SA ANTIOXIDANT,

Ang mga antioxidants ay lumalaban sa free radicals para maiwasan ang maraming karamdaman.


PANLABAN SA CANCER,

Ang mga nutrient at antioxidant na taglay nito makakatulong upang makaiwas sa cancer.


PAANO KAININ ANG BUTO NG PAPAYA?

Maaring kainin ng hilaw kaya lang mapait ito at medyo maanghang, kaya maaring haluan ng haney para mawala ang pait. Ang honey naman ay napakaraming health benefit kung ito ay organic. Maari ding ihalo ang pinatuyong buto sa mga lutuin tulad ng paminta.


PAALALA:

Ang buto ng papaya ay napakaraming benepisyo sa ating kalusugan ngunit wag po nating sobrahan sa pag intake. Ayon sa kasabihan lahat ng sobra ay masama.


Pinapayuhan din ang mga babaeng nagdadalang tao na iwasan muna ito upang hindi makaepekto sa sanggol.

No comments: