Sunday, August 22, 2021

Ihi

 TANONG: 

Sino mas mapanghi ang ihi babae o lalaki?


SAGOT:

Ihi ng Babae.


BAKIT?

Sang-ayon sa research sa tubo daw kasi lumalabas yung ihi ng lalake at sa imburnal o kanal naman ang sa babae. (Biro lang po) 🤣


TAMANG SAGOT:

Pareho lang depende kung may impeksyon sa daanan ng ihi, sakit sa bato, diabetes o kung ano nakain o nainum ng umiihi.


TANONG?

Saang CR mas mapanghi sa lalake o babae?


SAGOT:

Lalake


BAKIT?

Madaming wisik wisik pag umihi ang lalaki kaya pag natuyo mga ito yan ang nagbibigay panghi sa CR ng lalake. Pero kung paupo umihi sa inodoro, tulad ng kababaihan, walang talsik kaya walang matinding amoy kung agad na-flushed ito. 

Mas madalas ang UTI sa babae kasi mas maiksi ang tubo mula sa pantog hanggang sa labasan ng ihi. Dahil dito mas mabilis makaakyat ang bacteria mula sa labas papasok sa pantog kumpara sa lalake. 


Attention Men with BPH!!!

Subukin umihi ng nakaupo sa toilet bowl nakatutulong sa may prostate enlargement para hindi hirap umihi. 


Ayos po ba info ko GsKers? 😜


Smelly Urine: Mapanghi ba ihi niyo?

👇

https://youtu.be/3bK9QiWy3SE




No comments: