Friday, July 18, 2025

Kalma

 Kalma lang, Guys!


Hindi para sa’ mga ordinaryong mamamayan ang 20% tax na ‘yan, at lalong hindi ‘yung deposito natin sa bangko ang binabawasan!


So, while scrolling here sa FB, nabasa ko na madami na naman ang nagpa-panic dahil sa misleading narrative na naman na pinapakalat ng mga walang magawa sa buhay. Kesyo “buwis sa savings” daw ang bagong pinirmahang batas ni President Bongbong Marcos, yung ang Capital Markets Efficiency Promotion Act or RA 12214.


But wait lang. Can we take a moment to read beyond the headline, please?


First of all, the 20% final tax on interest income ay hindi na bago. Matagal na po yan. Matagal na po ‘yang umiiral. This isn’t some new “pahirap” law.


It’s just cleaning up the system to make sure the rich pay their fair share.


Para mas malinaw, , ang tina-tax ay ‘yung Interest, HINDI ang principal. Yes, hindi ho hinahawakan ang mismong pera mong naka-deposit.


 Example time:


Let’s say meron kang ₱50,000 in a time deposit account. After one year, kunwari, kumita siya ng ₱2,000 na interest. Ang 20% tax ay kukunin lang sa ₱2,000, that’s ₱400.


So you still have your original ₱50,000 untouched.


You just get ₱1,600 interest income instead of the full ₱2,000. Not bad, not unfair, just normal.


Kaya ‘wag OA. Hindi po ninanakawan ang pera natin sa bank. (naks, natin? Sanaol!)


Hindi sinasagasaan ang savings niyo. 


Sino lang ang mas apektado? ‘Yung may milyon-milyon o bilyones sa time deposits, trust funds, or foreign currency savings.


Mga corporations. Mga oligarchs.


Not Juan. Not Maria.


Most of us na may payroll account or basic savings account lang, na wala ring interest, safe po yun. Not affected. Hindi mababawasan ang pera natin sa bank. At para sa mga medyo may pera pero gusto ng alternative: UITFs or Mutual Funds are still tax-free. Pero yes, may konting risk kasi naka-link sila sa stocks or commodities.


So the takeaway? Don’t panic.


Magbasa. Magtanong. Huwag agad maniwala sa mga maling naratibo. Hindi ito anti-poor. In fact, it’s the opposite. PBBM just approved a law that actually hits the rich.


DOF Sec. Ralph Recto, Sen. Win Gatchalian, and Rep. Joey Salceda, lahat sila ang nagtrabaho para dito.Pinag aralan nila ito ng maigi kumpara sa mga maiingay na hindi naman sanay sa facts.


By the way, kasama po sa nag apruba dito ay ang Duterte bloc like Bato Dela Rosa, Bong Go and Robin Padilla, so bakit Marcos Admin lang sinisisi? Haler. Namimili ng sisisihin? 


Again, Kung wala ka pang ₱10 million na naka-time deposit...Breathe in, breathe out. Kalma Lang.


Let the millionaires, and of course, the billionaires worry.Hindi po kayo ang tina-target, hindi rin po ang pera natin ang gustong bawasan sa pamamagitan ng tax. Yung kita lang ng mga may sobrang pera ang tinamaan, and frankly, it’s about time. 🤗




No comments: