Monday, March 22, 2021

Change oil.

 Daming nagtatanong sa akin ano daw yung change oil. Aba, syempre laging handa akong tumulong at magbigay paliwanag sa abot ng aking makakaya noh.


Ganito po yun mga iho at iha... 

May story po kasi na may isang girl nahuli yung boyfriend niya kasama ang best friend niyang babae na nag-overnight. Ang excuse ni best friend nagpasama lang na magpa-change oil ng sasakyan. 


Wala naman akong nakitang masama doon. Nag magandang loob lang yung best friend niya samahan yung bf niya. Syempre inabot ng overnight siguro nahirapan maghanap ng available oil. O baka mahaba pila sa talyer kung saan sila nagpachange oil. Bait nga ng bestfriend niya. Buti nga at nag overtime pa yung mekaniko kahit may pandemic. Kawawa nga bf ni girl at yung best friend niya kasi baka nalipasan ng gutom mga yun. Dapat inintindi na lang. 


Ha ha ha 🤣


Kasi naman lahat ng nangyayari sa buhay niyo post kayo ng post. Ayan pati ako na totoong magpapachange oil ayaw payagan ni misis. Dilat ang mata niya sabay sabi, SUBUKAN MO! 


Ha ha ha 🤣


O baka mamaya magtanong din kayo at ipa-interpret yung tungkol sa video ni Kris Aquino ha?!!!


🤣🤣🤣

No comments: