Babala: Namayat kahit hindi Nag-Diyeta
Payo ni Doc Willie Ong
Okay lang na pumayat kung nag-diyeta ka. Pero kung pumayat ng hindi naman nag-diyeta, mag-ingat na.
Maraming mga dahilan para bumaba ang timbang. Kung mayroon kang problema sa trabaho o pamilya, maaari kang mabawasan ng timbang.
Ang dalawa pang kondisyon na maaaring maging sanhi ng pagbaba ng timbang ay diabetes at hyperthyroid. Kung ang isang tao ay hindi kayang kontrolin ang diabetes, ang labis na asukal ay hindi ina-absorb ng katawan at lumalabas ito sa ihi.
Ang hyperthyroidism ay nagiging sanhi ng mabilis na metabolismo, kaya't nagiging sanhi ng pagbaba ng timbang. Ang parehong mga kondisyon ay maaaring magamot.
Gayunpaman, kung ang isang tao ay nawalan ng 10 pounds nang hindi nag-diyeta, ito ay isang mahalagang senyales. Kahit na ang tao ay hindi nagrereklamo ng anumang sakit, dapat na suriin ang pasyente dahil sa posibleng kanser o ibang sakit.
Maraming mga kanser ang walang sintomas. Halimbawa, ang mga kanser sa tiyan, colon, atay at baga ay karaniwang hindi nagpapakita ng senyales. Bilang karagdagan, ang kanser ay maaaring makaapekto sa bata at matatanda, ngunit ito ay mas karaniwan sa mga matatandang tao.
Kaya naman, kung nabawasan ka ng timbang, Magpatingin sa iyong doktor at gagawan ng lab test. Huwag kang mag-alala. Kung sumunod ka sa isang healthy lifestyle ang mga test na ito ay marahil ay magiging normal lang.
No comments:
Post a Comment