Thursday, March 25, 2021

Covid ertriage

 SOME THINGS FOR CLARIFICATION:

I have been working in the COVID ER-Triage since May 2020. We doctors are assigned to work in different posts each day - assessing patients who come in, seeing patients in the consultation area, disclosing RT-PCR results to patients. We see COVID cases everyday. 


1. Most of the cases of COVID are MILD. 

A lot of people are anxious about COVID. Please know that majority of patients present with MILD symptoms. Some would only have headache OR fever OR sorethroat OR colds OR loss of smell/taste for a day. Minsan isang symptom lang. Minsan dalawa. Minsan madaming symptoms pero mild lang lahat. Some would present with these symptoms for several days. ALL of them recover fully within a few days. 

To be honest, hindi po ako takot magkacovid kasi given my age and my health status, I would probably get mild disease as well (lalo na ngayon na I have some protection since vaccinated na with the first dose - moreso, several weeks after my second dose in May). 

Ang takot ako ay ang magkacovid ako AT mahawaan ko sila Mommy and Daddy. Lalo na si Mommy - diabetic, hypertensive with high stroke risk. Check na check sya sa mga risk factors for severe covid. 


2. SEVERE COVID

This is the reason why we are vigilant with precautionary reminders: Proper mask wearing, hand hygiene, social distancing, healthy lifestyle. 

The vulnerable at at high risk to present with severe covid. Sino ang mga vulnerable? Elderly, mga may cancer, mga diabetic, mga hypertensive, mga obese, may history ng lung disease (eg. TB), stroke, cardiac disease, immune diseases. 

Ganito ang typical presentation ng severe covid sa ER: May darating na elderly patient na naghahabol ng hininga. Gasping for air. Pagcheck mo ng oxygen saturation nila, 70-80% lang. Itatakbo namin sa ER para mabigyan agad ng oxygen. Icchest xray. Then makikita mo na both sides ng lungs inflammed. Most of them would need to be immediately given high-flow oxygen or intubated (magpapasok ng tube sa airway kasi yun lang ang paraan para matulungan ang lungs nila makakuha ng oxygen). Kung hindi ibibigay ang necessary oxygen supplementation, magdedeteriorate talaga ang patient. Madaming tests na ginagawa bukod sa RT-PCR - CT scan, blood workups, ECG, ABG bago masabi na covid pneumonia nga talaga ang diagnosis. Ibibigay ang mga gamot na based sa mga validated studies ay beneficial. Kung magkacomplication (dahil severe covid can lead to kidney failure, stroke/other neurologic problems, bleeding etc.), the patient will be managed accordingly - dialysis, 

transfusion, thrombolysis etc. - depende sa kung anong kailangan ng patient. 

Typical ang progression: magkakaubo/lagnat/manghihina tapos within 2-4 days, hirap nang huminga na kailangan na dalhin sa hospital. 

Some patients recover. 

Some do not. 

Kanino sila nahawa? Sa kasama sa bahay. Almost all the time, relatives would admit na meron may symptoms sa kanila when we do history taking; or yung patient lumalabas madalas. 


3. QUARANTINE

Kaya tayo nagqquarantine (mag-isa, hiwalay sa mga kasama sa bahay) kasi ayaw natin kumalat yung virus at abutin ang mga vulnerable. 

To date, ~12,900 Filipino patients have already died from covid since last year. 

Ayaw na namin yan dumami pa. 

Kaya pag sinabing quarantine, quarantine. Yan ay para sa pamilya mo, sa ibang tao - PARA HINDI SILA MAHAWA SAYO. 

Kapag may covid ka, kahit mild, nagsshed ka ng virus for about 10 days. Yung hininga mo, yung plema mo, yung dumi mo (kung may diarrhea ka as symptom), may viral particles na nakakahawa for about ~10 days. 

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7471550/

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/32442256/

Mag-quarantine para hindi makahawa nang iba. Gagaling ka din naman kung mild lang ang covid mo. Kaso yung mga vulnerable, hindi kasing swerte mo. 


4. WE DOCTORS ARE NOT SCARING YOU

Hindi ko maintindihan kung bakit pag nagppost ako ng precaution e iniisip nyo na tinatakot ko kayo. 

WE WANT YOU TO BE VIGILANT BECAUSE WE DON’T WANT THE VIRUS TO SPREAD FURTHER AND REACH THE VULNERABLE. 

Madali kasi maipasa ang SARS-COV 2 virus. 

Kaso promise, ang tigas ng ulo nyo kasi... 

Kaya kami paulit ulit. Nakakapagod kayo, promise. 

Magsuot ng mask nang maayos. 

Huwag hahawakan ang mukha nang hindi nakapaghugas/disinfect ng kamay. 

Magsocial distancing. 

Huwag magaalis nang mask pag nasa labas, lalo na kung may kaharap na ibang tao. 

Ito ang mga proven na effective prevention. 

Halos lahat ng pasyente namin sa ER/consultation sinasabi nagvivitamins sila kaso nagkakasakit pa din. As much as healthy lifestyle is important, important pa din ang prevention using mask/social distance/hand hygiene. 

Try mo minsan bilangin ang mga tao sa labas na hindi maayos magsuot ng mask. Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin. May makikita at makikita kang hindi maayos magmask.


5. HOSPITAL/FACILITY OCCUPANCY

Ang availability ng mga rooms for admission ay nagiiba iba sa bawat araw at oras. Depende kasi yan sa kung ilan ang maddischarge for that day. 

Iba iba din ang bilang ng rooms depende sa severity. May mga pang ICU. May mga pang regular room. May mga for facility. 

Lately, dahil sa dami ng cases, mas madami ang needed iadmit sa hospital - ICU and regular room. Kaya napupuno ang ER. Katulad nitong huli, yung mga nasa ER kahapon, nasa ER pa din ngayon. Ang hirap humanap ng hospital na may available room dito sa Metro Manila lately. 

Limited lang ang capacity ng ER kasi kailangan may social distancing pa din doon at limited din ang manpower - doctors, nurses, nursing aides; pati supplies na nasa ER - like oxygen, regulators, beds/wheelchairs. As much as gusto namin kayo tanggapin, minsan hindi na din talaga kaya. Ginagawan ng paraan pag napupuno (promise. Sangkatutak na pagbabago na nga ng hospital ER protocols para makaaccomodate nang mas madami.)

All these things considered, mag-iingat po palagi at maging responsible. Yun ang hiling namin sa inyo. 

Huwag manghawa ng iba. 

Mag-effort hindi lang para sayo kung di para din sa ibang tao. 

❤️

No comments: