Saturday, March 20, 2021

It hurts

 TANONG

Doc bakit yung ibang ospital kahit hnd covid kinamatay.. tinatanong nila yung pamilya kung payag na palabasin covid patient yung pasyente para wala na daw bayaran sa ospital....minsan tuloy iniisipi ko kung totoo pa ba yung covid o may hidden agenda d2..


SAGOT

If true, that reflects the character of some or most Filipinos. Gusto makatipid, gusto makaisa sa sariling gobyerno. Natuwa yung kamag-anak ng namatay kasi wala o menos gastos, natuwa din yung doktor at ospital dahil makakakabig sa Philhealth. Krimen yan! Kung may ebidensya dapat ipaalam sa involved agencies. Ang tanong... Sino mag susumbong? Yung relatives ng namatayan na nakinabang din? Yung walanghiyang doktor na pumirma ng death certificate o yung gahaman na ospital na makakakolekta sa Philhealth? Malabo po yun. Ngayon, magtataka pa ba tayo bakit hindi umaasenso ang bansa? Daming graft & corruption sa anumang sektor ng lipunan. Walang disiplina. Walang malasakit at zero pagmamahal sa Pilipinas. 


Halimbawa na lang sa isang traffic violation, magpapakiramdaman yan. Yung traffic enforcer titingnan kung mag-aalok ng areglo yung violator. Si violator naman masasabing “pasensya na sir. Baka naman pwedeng... “ At malamang sa hindi ang sagot ni enforcer, “ikaw na bahala akin.”


Ugly Truth Hurts.

No comments: