Bakit kung kailan may vaccine na at tsaka tumaas ang Covid cases? Pananakot na yata para magpabakuna mga tao?
Una, wala pang dumating na bakuna sa Pinas may mga natuklasan ng covid variants.
Pangalawa, March 1, 2021 lang nag-umpisa ang pagbabakuna sa mga healthcare workers at wala pa sa 1/10 ang nabakunahan. Bakit? Dahil kulang pa ang mga bakuna at waiting waiting waiting pa sa pagdating ng mga ito.
Pangatlo, alam niyo po ba ilan kailangan bakunahan bago magkaroon ng herd immunity? 70% ng population. Ang Pinas ay nasa 110M na katao. Lagay na lang natin sa 70M ang dapat nabakunahan. Sa ngayon mga less than 130k, thousand ha, ang nabakunahan na healthcare workers out of the estimated na 1.7M.
Ngayon...
“We should be vaccinating 390,000 persons per day (M-F) for the next 9 months if we want to achieve 70M people vaccinated by the end of this year! So our current pace is actually very slow.” - Dr. Teddy Rebosa, Special Adviser NTF COVID-19
Ang problema...
Nasaan ang mga vaccine?
Wala! Kasi mga bansang gumagawa ng vaccines tulad ng USA (Pfizer, Moderna, Johnson & Johnson) at UK (Astrazeneca) nagsabi na mga kababayan muna nila ang priority. Yung vaccine naman na gawa sa China (Sinovac at Sinopharm) daming kontra. Meron din sa India (Novamax) baka soon magkaroon ang Pinas.
How soon mga yan...
2nd quarter (April to June) o baka 3rd quarter (July to September) o baka 4rd quarter... pwede rin sa 2022.
Ano dapat gawin natin while waiting?
Self-help.
Stay home muna kung pwede.
Kung kailangan lumabas ng bahay ingat at strict health protocols. Alam niyo na yan kasi paulit-ulit ng pinapaalala.
Nananakot ba ako?
Sige, Oo na nga, para mag-ingat ka at masabihan niyo mga mahal niyo sa buhay sa totoong sitwasyon ng bansa.
GOD bless the WORLD! 🙏
No comments:
Post a Comment