Wednesday, March 24, 2021

Post ni Jonvic.

 CHANGE OIL


Pasintabi na po kung ang paksa ko ngayong araw na ito ay medyo maselan. 

Kung mapapansin ninyo, ako’y madalas binabatikos dahil sa aking mga pananaw at paniniwala. 

Bilang isang halal, ang layunin ko lang naman ay ang maging tapat at ang magsabi ng KATOTOHANAN. Nais ko ring linawin ang mga nalalabuan, ituro sa tamang daan ang mga naliligaw ng landas at itama ang mali.

Masama ba yon? 

Often my frustration levels get the better of me ... but only because I think the people deserve BETTER. 

And since the 2022 PH Election nears, I just want to set the record straight: I shall run again as Governor of Cavite. 

The assumptions that I am aiming for a national post are false. 

I know my limits. My work for Cavite is not yet finished. Most importantly, I am not the type to abandon my people.


However, the reason many of my topics on social media are national-related is because these issues do affect Cavite.

For example, ito po ang Basic Wage Structure ng Cavite ayon sa pinakahuling datos mula sa DOLE:

1. Non-Agriculture approx. PHP 317-400

2. Agriculture approx. PHP 303-372

3. Retail & Service approx. PHP 303


Ito naman po ang Basic Wage Structure sa Metro Manila:

1. Non-Agriculture is at PHP 537

2. Agri/Retail/Manufacturing is at PHP 500


Ang minimum wage ay inilaan para matugunan ang mga    basic necessities ng mga mamamayan. 


Ang problema ng mga Caviteño:

1. Ang presyo ng bilihin sa palengke ng Cavite at Metro Manila ay pareho lamang;

2. Ang halaga ng Public Transportation ng Cavite at Metro Manila ay iisa lamang;

3. Ang halaga ng kuryente, tubig, at internet ay walang pinagkaiba.


So why the disparity in minimum salary? Eh ang Cavite ay kadikit lang naman ng Metro Manila. 

Hindi ba't ang pamamaraan ng batas ay sadyang outdated na at hindi makatarungan sa aming mga probinsyano?

Kaya't nais ko sanang pakiusapan ang lahat ng kinauukulan na tingnan naman ng parehas ang sitwasyon ng pamumuhay dito sa Cavite. 

Let’s consider the Equal Protection of the Law: We do not demand absolute equality among the locals; we just want consideration for our people to be treated alike, under like circumstances and conditions both as to privileges conferred and liabilities enforced.


After all, Cavite contributes heavily to the economic growth of the country.

Let me know your thoughts.

PS...Paki sabi sa Mrs ko mag-isa ako nung sinulat ko ito 💕

No comments: