Wednesday, March 03, 2021

Ibalik ang gana.

 REPOSTING

Gusto ko lang po makatulog...


Title: “6 Years na Doc!!! Anim na taon!!!”


May mag-asawang nagpakunsulta sa akin at nagtanong kung meron akong maipapayong gamot para bumalik ang sigla nilang mag-asawa kasi 6 years na daw silang walang kontak. Eh ang bata pa naman nila. Si Mr. BR ay 54 taong gulang at 53 si Mrs. FR at mukhang may asim pa naman. πŸ˜– 


Minsan nahihirapan din akong magpayo pagdating sa ganyan at baka isipin kung sino akong experto sa sex eh ano naman malay ko dyan. 🀭 


Pero syempre lagi naman akong handang tumulong at magbigay ng mga payo sa abot kaya. 


Bakit nga ba nawawalan ng gana sa sex ang isang tao? Maging babae man o lalaki ay dumarating sila sa panahon na wala sa “mood” para makipag-love-making sa kanilang partner. Pero, wag mag-alala mayroong mga paraan para muling maging aktibo sa sex. 


Ehersisyo – Regular na mag-ehersisyo para gumanda ang daloy ng iyong dugo at mapalakas ang mga muscles. Bukod dito, mapapanumbalik nito ang nawala mong lakas at matatanggal ang anumang stress sa iyong katawan. Matapos mag-ehersisyo ay makakaramdam muli ng kahandaan para mapaligaya ang iyong partner. 


Maging “intimate” – Kung sa tingin mo ay ikaw mismo ang nawawalan ng gana na makipag-sex sa iyong partner, mas mabuting gumawa ng paraan para muling mabuhay ang iyong “desire” para sa kanya. Maaaring makipag-date at kumain sa labas. Sa asawa ha hindi sa iba. Ang pagkakaroon ng “closeness” sa isa’t isa ay makakatulong para maging aktibo ang sex life. 


Alisin ang stress - Matapos ang nakakapagod na araw, maaaring maligo ng maligamgam na tubig upang maalis ang stress na nararamdaman. Magsindi ng mabangong kandila at makinig ng magandang musika na makakapagpa-relax ng iyong katawan. 


Explore - minsan po nasa kapaligiran din ang mood o gana sa sex. Kung panay sa loob kayo ng kwarto subukin niyong ibahin. Ibalik ang thrill niyong mag-asawa. Try niyo sa sala; kusina; banyo; sa ibabaw ng ref o microwave oven. Basta yung naiiba sa nakasanayan. Bahala na kayo. 


Mga misis naman, wag kayo magsasabi ng problema habang nag-lalab making. Kasi ang iba sa inyo habang in process magsasabi na “Darling dumating na electric billing; Naniningil na ng rental yung landlord mahal; Naputulan nga pala tayo ng tubig babes at iba pang pampalambot na salita.” Keep quiet lang po kung wala din kayong sasabihing makakatulong, ungol pwede. 🀭 


Para sa isang magandang pag sasama, kailangan compatible kayo ng partner mo at ang sex life ay dapat kakaiba at parating exciting. Pero habang tumatagal nakakasawa din diba, paulit ulit na lang. 


Kaya ito ang mga bagay na mag papainit sa inyong mga malalamig na pag nanasa. 

1. Mag plano kayo ng date ni partner na para bang nangangaliwa kayo, pero kunwari lang. Mag meet kayo sa restaurant at akitin niyo ang isa't isa na para bang mag memeet plang kayo. 


2. Mag role play sa kama. Mag costume kayo, kunwari bombero si mister at may sunog (si misis), tapos sabihin mo misis "ang init" tapos biglang hubad at gigiling sa hanap ni mister na sabay tanggal naman ng brief hehehe. Use your imagination na lang. Teka, baka ihian naman ni mister si misis ah. 


3. Isipin niyo mga bagets pa kayo. Marahil medyo weird lalo na pag matanda na talaga, pero pag iniisip niyo na mga bagets pa kayo nakakadagdag ito sa gigil at pagnanasa. Kailangan lang talaga ng strong mental concentration. FOCUS! Ha ha ha. Eh try niyo pero mag tago lang sa mga kids baka sabihin nila nababaliw na kayo. 


4. Foreplay. Isa ito sa pinaka importante na factor. Gawin niyo horny ang isa't isa sa loob ng 15 minutes and I am sure ma sosolve kayo sa inyong romansa. Sabihin mo sexy si misis (maski hindi) at misis sabihin mo iyan na pinakamalaki nakita mo sa balat ng lupa (maski hindi rin), para mas ganahan pa si mister. (Hay ano ba pinagpapayo ko. πŸ€ͺ) 


5. Gawin ito ng biglaan. Kung hindi kayo busy, biglain si partner itutuk agad ang sandata para hindi na pumalag. (Wag baril ha) 😝 


6. Gawin sexy ang romansa. Para mag init pa ang inyong gabi, bumili ng mga bagay sa mga "adult" store. Pwede ang mga sex toys o kaya mga underwear na very sexy. Pumili lang ng babagay para maging adventurous ang romansa. (Yung babagay ha baka lalong mamatay ang sandata at masuka ang asawa) 😊 


7. Ilabas ang pantasya. Lahat tayo ay may pantasya, kung gusto mo ng mainit na labanan, ilabas mo ito, siguraduhin lang na sasang ayon si partner. (Isipin niyo yung gusto niyong makasex ang kasex niyo. Isip lang baka ibang pangalan mabanggit niyo.) Careful careful. 🀣 


8. Mag practice ng hindi inaaraw araw. Kung gusto mo talagang solve si partner every mating season, i-reserve ang inyong mga lakas at sigurado pag dating ng panahon na kailangan mo ng kakampi andyan siya parati para tumayo at mag bigay pugay, hehe. 


9. I-surprise mo. 

Minsan biglain mo, mag hubad ka habang papauwi pa lang siya. (Wag lang sana siya atakihin sa puso ❤️)


10. Huwag lang sa kama. Ang daming lugar para gawin ang inyong pag lalabing loving, pwede sa kusina, sa sala, sa rooftop basta siguradhin lang na walang storbo para maganda ang kamada. 


11. Get kinky! Oh yeah. Nakaka pang init ng mga dugo kapag nag kwekwento kayo ng kalaswaan at pantasya ng inyong partner. Sabihin ninyo mga wildest fantasies niyo at tiyak mag eenjoy kayo. 


12. Manood ng Porno. Paminsan minsan ang panonood ng mga bold ay nakakatulong para mag karoon ng mood para sa romansa. 😊 


13. Mag suot ng sexy na outfit. Kahit hindi ka kaseksihan ipakita mo na may alindog ka pa rin. (Payo sa mga misis try niyo mag two-piece. Kung kaya po. Pag hindi gumamit ng body towel at beach towel, two-piece din po yan.) πŸ€ͺ 


14. Gumamit ng salamin habang nag roromansa. Nakakahorny daw ito sa mga mag partner at nakakadag dag init kapag nakikita nila sarili nila na nag eenjoy sa biyahing langit. (Kaya pala ganun sa motel.) 🀣 


15. Mag ingay. Ang pag “talk dirty” ay nakaka tulong para mas mang gigil ka pa. Mag moan (ungol) ka or mag Ah! Eh ! Oh! Ah! Ah! OH Sh*t, Oh G*d, F**ck my P**** use those words nakaka horny talaga promise. Again, wag problema o billings ang sasabihin. (Wag po, Aray aray aruy aruy sakit!) πŸ€ͺ 


16. Gawin sex ready ang kwarto. Gumamit ng pabango mga scented candles at mga sounds na mala "careless whisper" to set a sexual mood. (Alam na dis πŸ˜‚) 


17. Gumawa ng mga kakaibang bagay. Mag laban kayo sa beach o kaya sa ibabaw ng billiard table; sa mesa sa bahay o maski sa jolibi o macdu. Kapag ginagawa niyo ito ng exciting parati, hindi talaga kayo mabobord sa sex. Ha ha ha 😊 


18. Maniwala sa Pag ibig. Wala ng mas hihigit pa sa tunay na pag ibig, hanggat tunay kayong nag mamahalan, kahit anong ka wierdohan ang gawin ninyo sa sex life niyo, ma-eenjoy niyo ito pareho. Kasi, sa isang couple, hindi mailalabas ang tunay na pag nanasa kung walang pag ibig at tiwala sa isa’t isa. Ngayon pag ginawa niyo lahat yan at wala pa rin... Accept reality na lang at move on na po. πŸ˜†❗️❗️❗️ 


TANDAAN: Ang impormasyon na nakapaloob dito ay minsan seryoso at minsan biro lang. Kayo na bahalang umintindi. πŸ‘


Sa dami ba naman ng tips ko sana may sumuak sa banga. πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸŒˆ

No comments: